Description
Ito ay isang maiksing akda hinggil sa kinakailangan sa tao na matutuhan niya at paniwalaan niya na mga usapin ng Tawḥīd, mga Pangunahing Panuntunan ng Relihiyon, at ilan sa mga nauugnay sa mga ito, na hinango mula sa mga aklat ng mga paniniwala ng Apat na Imām: Sina Imām Abū Ḥanīfah, Imām Mālik, Imām Ash-Shāfi`īy, at Imām Ibnu Ḥanbal, sampu ng mga tagasunod nila, kaawaan sila ni Allāh - pagkataas-taas Niya - at ng mga nagkabukluran sa Paniniwala ng mga Alagad ng Sunnah at Bukluran, at hindi nagkaiba-iba sa mga ito.
Topics
Mga iba pang mga isinalin 12
(Sina Abū Ḥanīfah, Mālik, Ash-Shāfi`īy,
at Ibnu Ḥanbal)
Paghahanda:
Isang pangkat ng mga tagapagsaliksik ng kaalaman
Paunang Salita ng Tanyag na Shaykh
Ṣalāḥ bin Muḥammad Al-Budayr
Pagsasalin at Pagrerepaso:
Rowad Translation Center
Ang papuri kay Allāh na humatol kaya nagpahusay Siya, nagpahintulot Siya at nagbawal, nagpakilala Siya at nagturo, at nagpatalos sa relihiyon Niya at nagpaunawa. Sumasaksi ako na walang Diyos na karapat-dapat sambahin kundi si Allāh - tanging Siya - walang katambal sa Kanya. Inihanda Niya ang mga panuntunan ng relihiyon sa pamamagitan ng Aklat Niyang pinahusay, na patnubay sa lahat ng mga kalipunan. Sumasaksi ako na ang Propeta nating si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya, na ipinadala sa mga nilalang, kabilang sa mga Arabe at mga hindi Arabe, na may kapaniwalaan sa kaisahan ni Allāh at batas sa mga inatangan nito, na tigib ng kaalaman, kaya hindi siya tumigil sa pag-anyaya sa pamamagitan nito at tungo rito, na nakikipagpunyagi sa pamamagitan ng mga patunay nito para rito, na nangangalaga sa pamamagitan ng mga tiyakang patunay nito sa dalawang aspeto nito - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at ang mga Kasamahan niyang tumatahak sa landas na iyon, at ang lahat ng mga nauugnay sa uring iyon. Sa pagsisimula:
Napag-alaman ko nga itong akdang tinaguriang: "Ang Pinaniniwalaan ng Apat na Imām, Kaawaan sila ni Allāh." Ang nagsagawa ng paghahanda nito ay isang pangkat ng mga nagsasaliksik ng kaalaman. Natagpuan ko ito na umaalinsunod sa tamang paniniwala, na tumatahak sa pagtatalakay sa mga usapin nito sa metodolohiya ng mga ninuno nating mararangal, na nakabatay sa Qur'ān at Sunnah. Dahil sa kahalagahan ng paksa nito at nilalaman nitong mga usapin, tunay na ako ay nagtatagubilin ng paglilimbag nito at pagpapalaganap nito, habang humihiling sa Mapagtangkilik na May-kakayahan, na makinabang nawa rito ang bawat babasa nito, na gantihan Niya nawa ang sinumang naghanda nito ng pinakamagandang ganti, at lubusin Niya ito. Pagpalain ni Allāh ang Propeta nating si Muḥammad sampu ng mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan.
Imām at Khaṭīb ng Masjid Nabawīy
Hukom sa Pangkalahatang Hukuman sa Madīnah Munawwarah
Ṣalāḥ bin Muḥammad Al-Budayr
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang pagpapala at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad, ang pinuno ng mga isinugo, at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan. Sa pagsisimula,
Ito ay isang maiksing akda hinggil sa kinakailangan sa tao na matutuhan niya at paniwalaan niya na mga usapin ng Tawḥīd, mga Pangunahing Panuntunan ng Relihiyon, at ilan sa mga nauugnay sa mga ito, na hinango mula sa mga aklat ng mga paniniwala ng Apat na Imām:
Sina Imām Abū Ḥanīfah, Imām Mālik, Imām Ash-Shāfi`īy, at Imām Ibnu Ḥanbal, sampu ng mga tagasunod nila, kaawaan sila ni Allāh - pagkataas-taas Niya - at ng mga nagkabukluran sa Paniniwala ng mga Alagad ng Sunnah at Bukluran, at hindi nagkaiba-iba sa mga ito. [Hango ito sa] gaya ng mga aklat na Al-Fiqh al-Akbar (Ang Pinakamalaking Pagkaunawa) ni Abū Ḥanīfah - kaawaan siya ni Allāh - na sumakabilang-buhay noong taong 150 ng Hijrah; Al-`Aqīdah Aṭ-Ṭaḥāwīyah (Ang Paniniwalang Ṭaḥāwinyo) ni Aṭ-Ṭaḥāwīy, na sumakabilang-buhay noong taong 321 ng Hijrah, at ipaliwanag ito ni Abū Al-`Izz Al-Ḥanafīy, na sumakabilang-buhay noong taong 792 ng Hijrah; Muqaddimah Ar-Risālah (Ang Panimula ng Pasugo) ni Ibnu Abī Zayd Al-Qayrawānīy, Al-Mālikīy, na sumakabilang-buhay noong taong 386 ng Hijrah; Uṣūl As-Sunnah (Ang mga Pangunahing Panuntunan ng Sunnah) ni Ibnu Abī Zamanayn Al-Mālikīy, na sumakabilang-buhay noong taong 399 ng Hijrah; At-Tamhīd Sharḥ Al-Muwaṭṭa' (Ang Pagsisimula: Pagpapaliwanag sa Muwaṭṭa') ni Ibnu `Abdulbarr Al-Mālikīy, na sumakabilang-buhay noong taong 463 ng Hijrah;
Ar-Risālah fī I`tiqād Ahl Al-Ḥadīth (Ang Pasugo sa Paniniwala ng mga Alagad ng Ḥadīth) ni Aṣ-Ṣābūnīy Ash-Shāfi`īy, na sumakabilang-buhay noong taong 449 ng Hijrah; Sharḥ As-Sunnah (Ang Pagpapaliwanag ng Sunnah) ni Al-Muznīy, estudyante ni Ash-Shāfi`īy, na sumakabilang-buhay noong taong 264 ng Hijrah; Uṣūl As-Sunnah (Ang mga Pangunahing Panuntunan ng Sunnah) ni Imām Aḥmad bin Ḥanbal, na sumakabilang-buhay noong taong 241 ng Hijrah; Kitāb As-Sunnah (Aklat ng Sunnah) ng Anak niyang si `Abdullāh, na sumakabilang-buhay noong taong 290 ng Hijrah; Kitāb As-Sunnah (Aklat ng Sunnah) ni Khallāl Al-Ḥanbalīy, na sumakabilang-buhay noong taong 311 ng Hijrah; Kitāb Al-Bida` wa An-Nahy `anhā (Ang Aklat ng mga Bid`ah at ang Pagsaway sa mga ito) ni Ibnu Waḍḍāḥ Al-Andalusīy, na sumakabilang-buhay noong taong 287 ng Hijrah; Kitāb Al-Ḥawādith wa Al-Bida` (Ang Aklat ng mga Bagong Bagay at mga Bid`ah) ni Abū Bakr Aṭ-Ṭarṭūshīy Al-Mālikīy, na sumakabilang-buhay noong taong 520 ng Hijrah; Kitāb Al-Bā`ith `alā Inkār Al-Bida` wa Al-Ḥawādith (Ang Aklat ng Tagaudyok sa Pagmamasama sa mga Bid`ah at mga Bagong Bagay) ni Abū Shāmmah Al-Maqdisīy Ash-Shāfi`īy, na sumakabilang-buhay noong taong 665 ng Hijrah; at iba pa sa mga ito kabilang sa mga aklat ng mga pangunahing panuntunan at paniniwala na inakdaan ng apat na imām at mga tagasunod nila bilang isang pag-aanyaya sa katotohanan, bilang isang pangangalaga sa Sunnah at `Aqīdah, at bilang isang pagtugon sa mga bid`ah, mga kabulaanan, at mga pamahiin.
Hanggat nananatili ka, kapatid kong Muslim, na sumusunod sa isa sa mga Imām ng mga madhhab na ito, ito ay paniniwala ng imām mo. Kaya kung paano mo siya sinunod sa mga kahatulan, sundin mo siya sa paniniwala.
Isinaayos nga ang akdang ito sa paraang tanong at sagot bilang isang pagpapadali sa pagpaparating ng kaalaman at pagpapatatag nito.
Si Allāh ay hinihilingan nating ituon Niya ang lahat sa pagtanggap ng katotohanan, pagpapakawagas dito, at pagsunod sa Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.
Pagpalain ni Allāh ang Propeta nating si Muḥammad sampu ng mag-anak niya at mga Kasamahan niya, at pangalagaan siya nang lubos na pangangalaga.
S. Sabihin mo: Ang Panginoon ko ay si Allāh, ang Tagapagmay-ari, ang Tagapaglikha, ang Tagapaglarawan, ang Tagapag-alaga, ang Tagapagpabuti sa mga lingkod Niya, ang Tagapagtaguyod sa mga kapakanan nila, walang umiiral na bagay maliban ayon sa utos Niya, at walang kumikilos na nakatigil maliban ayon sa pahintulot Niya at pagnanais Niya.
S. Sabihin mo: Nakilala ko Siya sa pamamagitan ng nilalang Niya sa akin na kaalaman sa Kanya at pagkilalang likas sa kairalan Niya, pagdakila sa Kanya, at pangangamba sa Kanya, gaya ng pagkakilala ko sa Kanya sa pamamagitan ng pagmamasid at pagninilay-nilay sa mga tanda Niya at mga nilikha Niya gaya ng sinabi Niya - pagkataas-taas Niya (Qur'ān 41:37): "Kabilang sa mga tanda Niya ang gabi at ang maghapon, at ang araw at ang buwan." Ang mga dakilang nilikhang ito, dahil sa pagkakaayos,pagkatumpak, at kagandahang ito, ay hindi mangyayaring mga nagpairal sa mga sarili ng mga ito. Kailangan sa mga ito ng isang tagapaglikhang nagpairal sa mga ito mula sa kawalan. Iyan ay isang katiyakan na patunay sa kairalan ng tagapaglikhang may-kakayahan, dakila, at may Tigib na Karunungan. Ang lahat ng nilikha, maliban sa mga matindi sa mga ateista, ay kumikilala sa tagapalikha nila, tagapagmay-ari nila, tagapagtustos nila, at tagapangasiwa ng mga kapakanan nila. Kabilang sa mga nilikha Niya ay ang pitong langit, ang pitong lupa, at ang anumang nasa loob ng mga ito na mga nilikhang walang nakaaalam sa bilang ng mga ito, reyalidad ng mga ito, at mga kalagayan ng mga ito, at walang nagtataguyod sa pagkakaloob ng kasapatan sa mga ito at panustos sa mga ito kundi si Allāh, ang Buhay, ang Tagapagtaguyod, ang Tagapaglikha, ang Dakila. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya (Qur'ān 7:45): "Tunay na ang Panginoon ninyo ay si Allāh na lumikha sa mga langit at lupa sa loob ng anim na araw. Pagkatapos ay Pumaitaas Siya sa Trono. Ipinambabalot Niya ang gabi sa maghapon na humahabol dito nang maliksi. [Kanyang Nilikha] ang araw, ang buwan, at ang mga bituin, na mga pinaglilingkod ayon sa utos Niya. Pakatandaan, Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Napakamapagpala ni Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang."
S. Sabihin mo: Ang relihiyon ko ay Islām. Ito ay ang pagsuko kay Allāh sa pamamagitan ng Tawḥīd, ang pagpapaakay sa Kanya sa pamamagitan ng pagtalima, at ang pagpapawalang-kaugnayan sa Shirk at mga alagad nito, gaya ng sinabi Niya - pagkataas-taas Niya (Qur'ān 3:19): "Katotohanang,ang relihiyon na tatanggapin ni Allāh ay ang Islām." Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 3:85): "Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga malulugi." Kaya naman hindi tatanggap si Allāh ng isang relihiyong iba sa relihiyong ipinadala Niya dahil dito si Muḥammad - pagpalain Niya ito at pangalagaan - dahil ito ay nagpapawalang-saysay sa lahat ng mga batas na nauna. Ang sinumang sumunod sa isang relihiyong iba sa Islām, siya ay naliligaw sa patnubay at, sa Kabilang-buhay, ay kabilang sa mga maluluging papasok sa Impiyerno. Kay saklap ang hantungan.
S. Sabihin mo: Ang mga saligan ng Pananampalataya ay anim: na sumampalataya ka kay Allāh sa mga Anghel Niya, sa mga aklat Niya, sa mga sugo Niya, sa Huling Araw, at sumampalataya ka na ang pagtatakda, ang lahat ng ito: ang kabutihan nito at ang kasamaan nito ay galing kay Allāh, pagkataas-taas Niya.
Hindi nalulubos ang pananampalataya ng isang tao malibang kapag sumampalataya siya sa mga ito sa kalahatan sa paraang ipinahiwatig ng Aklat ni Allāh at ng Sunnah ng Sugo Niya - pagpalain Niya ito at pangalagaan. Ang sinumang nagkaila ng anuman sa mga ito ay lumabas nga sa bakuran ng pananampalataya. Ang patunay roon ay ang sabi Niya - kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan - (Qur'ān 2:177): "Ang pagpapakabuti ay hindi ang paghaharap ninyo ng mga mukha ninyo sa dako ng silangan at kanluran, subalit ang pagpapakabuti ay ang sinumang sumampalataya kay Allāh, sa Huling Araw, sa mga anghel, sa mga kasulatan, at sa mga propeta; ang nagbigay ng yaman, sa kabila ng pagkaibig dito, sa mga may [kaugnayang] pangkaanak, sa mga ulila, sa mga dukha, sa kinapos sa daan, sa mga nanghihingi, at alang-alang sa pagpapalaya ng mga alipin; ang nagpanatili ng dasal; ang nagbibigay ng zakāh; at ang mga tumutupad sa tipan nila kapag nakipagtipan sila; at lalo na ang mga matiisin sa sandali ng karalitaan at karamdaman, at sa sandali ng labanan. Ang mga iyon ay ang mga nagpakatotoo at ang mga iyon ay ang mga nangingilag magkasala." Gayon din ang sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - nang tinanong ito tungkol sa pananampalataya, at nagsabi ito: "na sumampalataya ka kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga aklat Niya, sa mga sugo Niya, sa Huling Araw, at sumampalataya ka sa pagtatakda: ang mabuti nito at ang masama nito." Isinaysay ito ni Imām Muslim.
S. Sabihin mo: Ang pananampalataya kay Allāh ay ang paniniwala, ang pagkakatiyak, at ang pagkilala sa kairalan Niya - napakamaluwalhati Niya - at kaisahan Niya sa pagkapanginoon Niya, sa pagkadiyos Niya, at sa mga pangalan Niya at mga katangian Niya.
Sabihin mo: Ito ay ang paniniwala at ang katiyakan sa kairalan nila, sa mga katangian nila, sa mga kakayahan nila, sa gawain nila, at a anumang ipinag-uutos sa kanila, at na sila ay nilikhang marangal na dakila, na nilikha ni Allāh mula sa isang liwanag. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 66:6): "Hindi sumusuway kay Allāh sa anumang ipinag-utos Niya sa kanila at gumagawa sa anumang ipinag-uutos sa kanila." Mayroon silang mga pakpak na dalawahan, tatluhan, apatan, at higit pa roon. Ang bilang nila ay marami. Walang nakaaalam sa bilang nila kundi si Allāh - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas. Inatangan sila ni Allāh ng mga dakilang tungkulin kaya mayroon sa kanilang mga tagapasan ng trono, mga itinalaga sa mga sinapupunan, sa pag-iingat sa tala ng mga gawa at sa pag-iingat sa mga tao, mga tagatanod sa Paraiso, mga tagatanod sa Impiyerno, at iba pang mga tungkulin. Ang pinakamainam sa kanila ay si Gabriel - sumakanya ang pangangalaga. Siya ay ang nakatalaga sa pagsisiwalat na pinababa sa mga propeta. Naniniwala tayo sa kanila sa kabuuan at detalye gaya ng ipinabatid ng Panginoon natin - mapagpala Siya at pagkataas-taas Niya - sa Aklat Niya at Sunnah ng Sugo Niya - pagpalain Niya ito at pangalagaan. Ang sinumang nagkaila sa mga anghel o nagsabing ang reyalidad nila ay hindi raw ayon sa ipinabatid ni Allāh - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - ito ay tumatangging sumampalataya dahil sa pagpapasinungaling nito sa ipinabatid ni Allāh - pagkataas-taas Niya - at sa ipinabatid ng Sugo Niya - pagpalain Niya ito at pangalagaan.
S. Sabihin mo: Ito ay na pakatiyakin mo at saksihan mo na si Allāh - pagkataas-taas Niya - ay nagpababa nga sa mga propeta Niya at mga sugo Niya - sumakanila ang pagpapala at ang pangangalaga - ng mga aklat na bumanggit nga Siya ng ilan sa mga ito sa Aklat Niya: ang Kalatas ni Abraham, ang Torah, ang Ebanghelyo, ang Salmo, at ang Qur'ān. Ibinaba Niya ang Kalatas ni Abraham kay Abraham, ang Torah kay Moises, ang Ebanghelyo kay Jesus, ang Salmo kay David, at ang Qur'ān kay Muḥammad, ang pangwakas sa mga propeta Niya - sumakanila ang pagpapala at ang pangangalaga.
Ang pinakamainam sa mga ito ay ang Qur'ān na Salita ni Allāh - pagkataas-taas Niya. Sinalita Niya ito nang tunay. Ang pagkakabigkas nito at ang kahulugan nito ay mula kay Allāh. Ipinarinig Niya ito kay Anghel Gabriel - sumakanya ang pangangalaga - at ipinag-utos Niya roon ang pagpapaabot nito sa Propeta Niyang si Muḥammad - sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 26:193): "Bumaba kasama nito ang pinagkakatiwalaang Espiritu" Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya (Qur'ān 76:23): "Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo ng Qur'ān sa isang [unti-unting] pagpapababa." Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya (Qur'ān 9:6): "kanlungin mo siya nang sa gayon ay maririnig niya ang Salita ni Allāh."
Pinangalagaan nga ito ni Allāh - pagkataas-taas Niya - laban sa paglilihis, pagdaragdag, at pagbawas. Ito ay napangangalagaan sa pagkakasulat at pagkakasaulo hanggang sa kunin ni Allāh ang mga kaluluwa ng mga mananampalataya bago sumapit ang Huling Sandali sa wakas ng panahon, at saka iaangat Niya - pagkataas-taas Niya - ito sa Kanya kaya walang matitirang anuman mula rito.
Sabihin mo: Naniniwala ako nang tandisan na sila ay mga tao, na sila ay mga hinirang sa mga anak ni Adan, at na si Allāh - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - ay humirang sa kanila at pumili sa kanila upang ipaabot ang batas Niya na ibinababa Niya sa mga lingkod Niya. Nag-aanyaya sila sa pagsamba kay Allāh - tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya, at sa pagwawalang-kaugnayan sa Shirk at mga alagad nito. Ang pagkapropeta ay isang paghahalal at isang paghihirang mula kay Allāh. Hindi ito natatamo sa pamamagitan ng pagsisikap at dami ng pagtalima ni sa pagkamatuwid o talino. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 6:124): "Si Allāh ay higit na nakaaalam kung saan Niya ilalagay ang pasugo Niya."
Ang kauna-unahan sa mga propeta ay si Adan - sumakanya ang pangangalaga. Ang kauna-unahan sa mga sugo ay si Noe - sumakanya ang pangangalaga. Ang pangwakas sa kanila ay ang pinakamainam sa kanila, si Muḥammad bin `Abdullāh Al-Qurashīy Al-Hāshimīy - ang mga biyaya ni Allāh at pangangalaga Niya ay sumakanilang lahat. Ang sinumang nagkaila ng isang propeta ay tunay tumangging sumampalataya. Ang sinumang nag-angkin ng pagkapropeta matapos ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - siya ay tumatangging sumampalataya, na nagpapasinungaling kay Allāh yayamang nagsabi Siya (Qur'ān 33:40): "Si Muḥammad ay hindi ang ama ng isa sa mga lalaki ninyo bagkus ang Sugo ni Allāh at ang katapusan sa mga Propeta." Nagsabi naman ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Walang propeta matapos ko."
S. Sabihin mo: Sa pamamagitan ng paniniwalang tandisang, katiyakang walang pagdududa rito, at pagkilala sa pangyayari ng lahat ng ipinabatid ni Allāh tungkol sa pangyayari matapos ng kamatayan gaya ng pagtatanong sa libingan, ginhawa roon at pagdurusa, pagbubuhay at pagtitipon [sa mga tao], pagkalap sa mga nilikha para sa pagtutuos at paghuhusga, mangyayari sa mga larangan ng pagbangon ng mga patay gaya ng matagal na pagkakatayo at paglapit ng araw sa layong isang milya, [pag-inom sa] batis, timbangan, talaan, pagtukod ng landasin sa ibabaw ng Impiyerno, at iba pa roon kabilang sa mga mangyayari at mga hilakbot sa dakilang araw na iyon hanggang sa makapasok sa Paraiso ang mga maninirahan sa Paraiso at sa Impiyerno ang mga maninirahan sa Impiyerno, gaya na nasaad nang masusi sa Aklat ni Allāh at Sunnah ng Sugo Niya - pagpalain Niya ito at pangalagaan. Napaloloob sa pananampalataya sa Huling Araw ang paniniwala sa napagtibay mula sa mga kundisyon ng Huling Sandali at mga palatandaan nito gaya ng dami ng mga tukso, ng mga pagpatay, ng mga lindol, ng mga eklipse, ng paglabas ng bulaang-Kristo, ng pagbaba ni Jesus - sumakanya ang pangangalaga - ng paglabas ng Gog at Magog, ng pagsikat ng araw mula sa kanluran nito, at ng iba pa roon kabilang sa mga kundisyon ng Huling Sandali.
Lahat ng iyon ay napagtibay sa Aklat ni Allāh at mga ulat sa Sugo Niya - pagpalain Niya ito at pangalagaan - na tumpak na nakatala sa mga aklat ng mga Ṣaḥīḥ, mga Sunnah, at mga Musnad.
Sabihin mo: Oo. Nagsabi si Allāh tungkol sa mga tao ni Paraon (Qur'ān 40:46): "Ang Apoy, idadarang sila roon sa umaga at gabi. Sa araw na sasapit ang Huling Sandali [ay sasabihin sa mga anghel]: 'Papasukin ninyo ang mga kampon ni Paraon sa pinakamatindi sa pagdurusa." Ang sabi pa Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 8:50): "Kung sakaling nakikita mo kapag kinukuha ang mga tumangging sumasampalataya ng mga anghel, na hinahagupit ng mga ito ang mga mukha nila at ang mga likod nila [habang sinasabihan]: 'Lasapin ninyo ang pagdurusa ng pagkasunog.'" Ang sabi pa Niya - napakamaluwalhati Niya - (Qur'ān 14:27): "Pinatatatag ni Allāh ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagsasabing matatag sa buhay sa Mundo at sa Kabilang-buhay." Nasaad sa mahabang Ḥadīth Al-Qudsīy ayon kay Al-Barā' - malugod si Allāh sa kanya: "kaya may mananawagang isang tagapanawagan mula sa langit: 'Nagtapat ang lingkod Ko kaya latagan ninyo siya ng mula sa Paraiso, padamitan ninyo siya ng mula sa Paraiso, magbukas kayo para sa kanya ng isang pintuan patungo sa Paraiso at pupuntahan siya ng halimuyak nito at bango nito, at magpapaluwag para sa kanya sa libingan niya sa abot ng tingin niya.' Tunay na ang tumatangging sumampalataya, kapag naalaala niya ang kamatayan nito, ay magsasabi at panunumbalikin ang kaluluwa niya sa katawan niya. Pupuntahan siya ng dalawang anghel at pauupuin siya. Magsasabi ang dalawang ito: 'Sino ang Panginoon mo?' Magsasabi siya: 'Ha? Ha? Hindi ko nalalaman.' Magsasabi ang dalawang ito: Ano ang Relihiyon mo? Magsasabi siya: 'Ha? Ha? Hindi ko nalalaman.Magsasabi ang dalawang ito: Sino ang lalaking ito na ipinadala sa inyo?'Magsasabi siya: 'Ha? Ha? Hindi ko nalalaman. 'Kaya may mananawagang isang tagapanawagan mula sa langit: 'Nagsinungaling nga siya kaya latagan ninyo siya ng mula sa Impiyerno, padamitan ninyo siya ng mula sa Impiyerno, magbukas kayo para sa kanya ng isang pintuan patungo sa Impiyerno at pupuntahan siya ng init nito at lason nito, at magpapasikip sa kanya ang libingan niya hanggang sa magsalita dito ang mga tadyang niya." Nagdagdag sa isang sanaysay: "Pagkatapos ay aakayin siya ng isang bulag na piping may pambambong yari sa bakal na kung sakaling pinalo gamit nito ang isang bundok ay talagang ito ay magiging alabok. Papaluin siya gamit nito ng isang palong maririnig sa pagitan ng silangan at kanluran maliban ng tao at jinn." Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud. Dahil dito, ipinag-utos sa atin ang pagpapakupkop laban sa pagdurusa sa libingan sa bawat dasal.
Sabihin mo: Oo; makikita nila ang Panginoon nila sa Kabilang-buhay. Kabilang sa mga patunay roon ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 75:22-23): "May mga mukha, sa araw na iyon, na mga nagniningning. Sa Panginoon nila ay mga nakatingin." at ang sabi niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na kayo ay makakikita sa Panginoon ninyo." Itinala ito nina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim. Nagkaulit-ulit nga ang mga ḥadīth buhat sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - kaugnay sa pagpapatibay sa pagkakita ng mga mananampalataya sa Panginoon nila - mapagpala Siya at pagkataas-taas Niya. Nagkaisa roon ang mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at ang mga tagasunod nila sa pagpapakahusay. Kaya ang sinumang nagpasinungaling sa pagkakita ay sumalansang kay Allāh at sa Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at sumalungat sa landas ng mga mananampalataya kabilang sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at sinumang sumunod sa kanila sa pagpapakahusay. Tungkol naman sa Mundo, hindi maaari ang pagkakita dahil ang sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na kayo ay hindi makakikita sa Panginoon ninyo hanggang sa mamatay kayo." at noong hiniling ng propeta ni Allāh na si Moises - sumakanya ang pangangalaga - ang makita si Allāh sa Mundo gaya na nasaad sa sabi Niya - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas - (Qur'ān 7:143): "Noong dumating si Moises sa tipanan Namin at kinausap ito ng Panginoon nito ay nagsabi ito: 'Panginoon ko, magpakita Ka sa akin, titingin ako sa Iyo.' Nagsabi Siya: 'Hindi mo Ako makikita,"
Sabihin mo: Sa pamamagitan ng katiyakang tandisan na ang bawat bagay ay nangyayari dahil sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya. Kaya naman walang mangyayaring anuman malibang dahil sa kalooban Niya. Siya ay ang tagapaglikha ng mga gawa ng mga tao: ang mabuti sa mga ito at ang masama sa mga ito. Nilalang Niya nang likas ang mga tao sa kabutihan at pagtanggap ng katotohanan. Binigyan Niya sila ng mga isip na nakatatalos. Gumawa Siya para sa kanila ng pagnanais na nakapipili sila gamit ito. Nilinaw Niya sa kanila ang katotohanan. Nagbabala Siya sa kanila laban sa kabulaanan kaya nagpatnubay Siya sa sinumang niloob Niya dahil sa kabutihang-loob Niya at nagpaligaw Siya sa sinumang niloob Niya dahil sa katarungan Niya. Siya ay ang Marunong, ang Maalaman, ang Maawain. Hindi Siya matatanong tungkol sa anumang ginagawa Niya samantalang sila ay tatanungin.
Ang mga antas ng pagtatakda ay apat:
A. Ang pananampalataya sa kaalaman ni Allāh, na Siya ay nakasasaklaw sa bawat bagay sapagkat Siya ay nakaaalam sa anumang nangyari, anumang mangyayari, at anumang hindi nangyari kung sakaling nangyaring papaanong mangyayari ito.
B. Ang pananampalataya na si Allāh ay sumulat sa bawat bagay.
C. Ang pananampalataya na walang mangyayaring anuman malibang ayon sa kalooban Niya.
D. Ang pananampalataya na si Allāh ay tagapaglikha ng bawat bagay sapagkat Siya ay ang tagapaglikha ng mga katawan, mga ginagawa, mga sinasabi, mga pagkilos, mga pagtigil, at mga katangian ng bawat bagay sa mga mundong pangkaitaasan at panlupa. Ang mga patunay ng naunang nabanggit ay matatagpuan sa Qur'ān at Sunnah.
Sabihin mo: Hindi ginagamit na katawagan ang sinasabing ang tao ay musayyar (pinagkaitan ng malayang kalooban) o siya ay mukhayyar (pinagkalooban ng malayang kalooban) sapagkat kapwa ito mali. Ang mga teksto ng Qur'ān at Sunnah ay nagpahiwatig nga na ang tao ay may pagnanais at kalooban, na siya ay gumagawa sa katunayan, subalit lahat ng iyon ay hindi nakalalabas sa kaalaman ni Allāh, pagnanais Niya, at kalooban Niya. Nililinaw iyon ng sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 81:28-29): "para sa sinumang lumoob mula sa inyo na magpakatuwid, at hindi ninyo niloloob maliban kung niloloob ni Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang." Ang sabi pa Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 74:55-56): "Kaya ang sinumang nagloob, alalahanin niya ito. Hindi sila mag-aalaala maliban kung loloobin ni Allāh. Siya ay ang karapat-dapat pangilagang pagkasalaan at ang karapat-dapat magpatawad."
Sabihin mo: Hindi tutumpak ang pananampalataya nang walang gawa, bagkus kailangan ng gawa dahil ang gawa ay isang saligan ng pananampalataya kung paanong ang salita ay iba pang saligan nito. Ito ay ang napagkaisahan ng mga imām na ang pananampalataya ay salita at gawa. Ang patunay ay ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 20:75): "Ang sinumang pumunta sa Kanya bilang isang mananampalataya ay gumawa nga ng mga maayos. Ukol sa mga iyon ay ang mga antas na mataas:" Kaya naman isinakundisyon ni Allāh ang pananampalataya at ang gawa nang magkasama para sa pagpasok ng tao sa Paraiso.
S: Lima: ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, ang pagpapanatili sa dasal, ang pag-aayuno sa Ramaḍān, ang pagbibigay ng zakāh, at ang ḥajj sa Bahay na Pinakababanal ni Allāh.
Nagsabi ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Itinayo ang Islām sa lima: ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, ang pagpapanatili sa dasal, ang pagbibigay ng zakāh, ang ḥajj, at ang pag-aayuno sa Ramaḍān." Napagkaisahan ang katumpakan.
Sabihin mo: Ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh. Nangangahulugan ito: Walang sinasambang totoo kundi si Allāh gaya ng sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 43:26-28): "[Banggitin] noong nagsabi si Abraham sa ama niya at mga kalipi niya: 'Ako ay nagtatatwa sa anumang sinasamba ninyo, maliban sa lumalang sa akin sapagkat tunay na Siya ay magpapatnubay sa akin.' Ginawa niya ito na isang pangungusap na mananatili sa mga inapo niya nang sa gayon sila ay magbabalik." Ang sabi pa Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 31:30): "Iyon ay dahil sa si Allāh ay ang Katotohanan, at tunay na ang dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanan, at na si Allāh ay ang Mataas, ang Malaki."
Ang kahulugan ng pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh ay ang tunay na nakatitiyak tayo at kumikilala tayong siya ay Sugo ni Allāh at Lingkod Niya, na Siya ay isang lingkod na hindi sinasamba, isang propetang hindi pinasisinungalingan, tinatalima sa ipinag-utos niya, pinaniniwalaan sa ipinabatid niya, at iniiwasan ang anumang sinaway niya at sinawata, at ang hindi sambahin si Allāh malibang ayon sa isinabatas niya.
Ang karapatan niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa Kalipunan niya ay ang igalang, ang pagpitaganan, ang ibigin, at ang sundin nang lubusan sa bawat oras at sandali ayon sa kakayanan. Nagsabi si Allāh - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 3:31): "Sabihin mo: 'Kung kayo ay umiibig kay Allāh ay sundin ninyo ako, iibigin kayo ni Allāh at magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.'"
Sabihin mo: Ang adhikain ng Tawḥīd ay hindi payak na pangungusap na sinasabi nang walang paniniwala, pagsasagawa sa mga hinihiling nito, at pag-iwas sa mga panira nito, bagkus mayroon itong pitong kundisyong inilabas ng mga maalam sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa mga patunay na legal sa Islām. Itinala nila ito habang mga nagpapatunay sa mga ito gamit ang mga patunay mula sa Qur'ān at Sunnah.
1. Ang kaalaman sa kahulugan nito ayon sa pagkakaila at pagkilala. Ang kaalamang si Allāh, tanging Siya: walang katambal sa Kanya, ay ang karapat-dapat sa pagsamba, at ang ipinahiwatig nito na pagkakaila ng pagkadiyos sa iba pa kay Allāh at pagkakilala sa mga hinihiling nito, sa mga kinakailangan dito, at sa mga panira rito, na sumasalungat sa kamangmangan. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 47:19): "Kaya alamin mo na walang Diyos kundi si Allāh," Ang sabi pa Niya - napakamaluwalhati Niya - (Qur'ān 43:86): "maliban sa mga sumaksi sa katotohanan at sila ay nakaaalam." Nagsabi naman ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang namatay habang siya ay nakaaalam na walang Diyos kundi si Allāh ay papasok sa Paraiso." Isinaysay ito ni Imām Muslim.
2. Ang katiyakan ay ang paniniwalang tandisan dito,na sumasalungat sa pagdududa at pag-aalinlangan, na tumutukoy sa nanunuot sa puso, na matatag dito. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 49:15): "Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, pagkatapos ay hindi nag-alinlangan, at nakibaka sa pamamagitan ng mga ari-arian nila at mga sarili nila sa landas ni Allāh. Ang mga iyon ay ang mga nagpapakatotoo." Nagsabi naman ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang nagsabi: 'Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh' at na ako ay Sugo ni Allāh, walang makikipagtagpo kay Allāh kasama ng dalawang ito, na isang taong hindi nagdududa sa dalawang ito malibang papasok siya sa Paraiso."
3. Ang pagpapakawagas, na sumasalungat sa shirk. Iyon ay sa pamamagitan ng pagdalisay sa pagsamba at pag-aalis dito ng anumang bahid ng shirk o pagpapakitang-tao. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 39:3): "Pakatandaan, ukol kay Allāh ang relihiyong wagas." Ang sabi pa Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 98:5): "Walang ipinag-utos sa kanila kundi na sambahin nila si Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon," Nagsabi naman ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang pinakamaligaya sa mga tao dahil sa pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang nagsabing walang Diyos kundi si Allāh nang wagas mula sa puso niya o sarili niya." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy.
4. Ang pag-ibig sa adhikaing ito at sa ipinahiwatig nito, ang pagkagalak doon, at ang pag-ibig sa mga alagad nito, ang pakikipagtangkilik sa kanila, ang pagkasuklam sa sumisira nito, at ang pagpapawalang-kaugnayan sa mga tumatangging sumampalataya. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 2:165): "May mga taong gumagawa sa iba pa kay Allāh bilang mga kaagaw na iniibig nila ang mga ito gaya ng pag-ibig kay Allāh, ngunit ang mga sumampalataya ay higit na matindi sa pag-ibig kay Allāh." Nagsabi naman ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "May tatlong ang sinumang ang mga ito ay nasa kanya, matatagpuan niya ang tamis ng pananampalataya: na si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na kaibig-ibig sa kanya kaysa sa iba pa sa kanilang dalawa, na ibigin niya ang tao nang hindi iniibig ito malibang alang-alang kay Allāh, at na kasuklaman Niyang bumalik sa kawalang-pananampalataya kung paanong kasuklaman niyang ihagis sa Apoy" Isinaysay ito ni Imām Muslim.
Ang katapatang sumasalungat sa kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-aalinsunod ng puso at mga bahagi ng katawan sa dila na bumigkas sa adhikain ng Tawḥīd kaya sasang-ayunan ng mga bahagi ng katawan ang puso sa sinabi nito at magsasagawa ang mga iyon ng pagtalimang panlabas at panloob. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 29:3): "kaya talagang nalalaman nga ni Allāh ang mga nagpakatotoo at talagang nalalaman nga Niya ang mga nagsisinungaling." Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 39:33): "Ang naghatid ng katapatan at ang naniwala rito, ang mga iyon ay ang mga nangingilag magkasala." Nagsabi siya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang namatay habang siya ay sumasaksi na walang ibang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay sugo ni Allāh nang tapat sa puso niya ay papasok sa Paraiso." Isinaysay ito ni Imām Aḥmad.
Ang pagpapaakay sa pamamagitan ng pagpapasailalim kay Allāh bilang pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba at pagganap sa mga karapatan nito bilang pagsasagawa sa mga ipinag-uutos at pag-iwas sa mga sinasaway nang may pagpapakawagas, pagmimithi, pag-asa, at pangingilabot kay Allāh - pagkataas-taas Niya. Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 39:54): "Magsisi kayo sa Panginoon ninyo at sumuko kayo sa Kanya bago dumating sa inyo ang pagdurusa, pagkatapos ay hindi kayo maiaadya." Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 31:22): "Ang sinumang nagsusuko ng mukha niya tungo kay Allāh habang siya ay nagmamagandang-loob ay nangunyapit nga sa hawakang pinakamatibay."
7. Ang pagtanggap na sumasalungat sa pagtutol. Iyon ay sa pamamagitan ng pagtanggap ng puso sa adhikain at anumang ipinahiwatig nito at hiniling nito, subalit hindi tatanggapin ito mula sa sinumang nag-anyaya tungo rito dala ng isang panatisismo o isang pagmamalaki. Nagsabi si Allāh – pagkataas-taas Niya – (Qur'ān 37:35): "Tunay na sila noon, kapag sinabi sa kanila na walang Diyos kundi si Allāh, ay nagmamalaki"
S. Sabihin mo: Siya ay si Muḥammad, anak ni `Abdullāh, anak ni `Abdulmuṭṭalib, anak ni Hāshim, anak ni `Abdumunāf. Hinirang siya ni Allāh -pagkataas-taas Niya - mula sa Liping Quraysh, na mga pili sa mga anak ni Ismael na anak ni Abraham - sumakanilang dalawa ang pangangalaga. Ipinadala siya ni Allāh sa tao at jinn, ibinaba sa kanya ang Aklat at ang Karunungan, at ginawa siyang pinakamainam sa mga sugo at pinakalamang sa kanila - sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga.
Sabihin mo: Ang kauna-unahang isinatungkulin ni Allāh sa mga lingkod Niya ay ang pananampalataya sa Kanya - napakamaluwalhati Niya - at ang kawalang-pananampalataya sa nagdidiyus-diyusan, gaya ng sa sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 16:36): "Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: 'Sambahin ninyo si Allāh at iwaksi ninyo ang nagdidiyus-diyusan.' Kaya mayroon sa kanila na pinatnubayan ni Allāh at mayroon sa kanila na naging karapat-dapat sa kanya ang pagkaligaw. Kaya maglakbay kayo sa Lupa at tingnan ninyo kung papaano ang naging kinahinatnan ng mga nagpapasinungaling." Ang nagdidiyus-diyusan ay ang anumang lumalampas ang tao sa hangganan nito gaya ng isang sinasamba o isang sinusunod o isang tinatalima [na nalulugod sa gayon].
S. Sabihin mo: Nilinaw nga ni Allāh iyon nang pinakamaliwanag na paglilinaw, at na Siya - pagkataas-taas Niya - ay lumikha sa mga nilikha, na tao at jinn, para sa pagsamba sa Kanya, tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya. Iyon ay sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya at pag-iwan sa sinaway Niya. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 51:56): "Hindi Ko nilikha ang jinn at ang tao kundi upang sambahin nila Ako." Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 4:36): "Sumamba kayo Allāh at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman."
S. Sabihin mo: Ito ay ang bawat naiibigan ni Allāh at kinalulugdan Niya na mga sinasabi at mga ginagawang panloob at panlabas, at na ipinag-utos sa atin ni Allāh - napakamaluwalhati Niya - na paniwalaan natin o sabihin natin o gawin natin gaya ng pangamba sa Kanya, pag-asa sa Kanya, pag-ibig sa Kanya - napakamaluwalhati Niya - pagpapatulong at pagpapasaklolo sa Kanya sa Kanya, pagdarasal, at pag-aayuno.
Sabihin mo: Tunay na ang panalangin ay kabilang sa pinakadakila sa mga uri ng mga pagsamba, gaya ng sinabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 40:60): "Nagsabi ang Panginoon ninyo: 'Dumalangin kayo sa Akin, tutugunin Ko kayo. Tunay na ang mga nagmamalaki sa pag-ayaw sa pagsamba sa Akin ay magsisipasok sa Impiyerno na mga hamak.'" Sa ḥadīth, nagsabi ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang panalangin ay ang pagsamba." Isinaysay ito ni Imām At-Tirmidhīy. Dahil sa kahalagahan nito at kadakilaan nito sa relihiyon, nasaad hinggil dito ang higit sa 300 talata sa Marangal na Qur'ān. Ang panalangin ay dalawang uri: panalangin ng pagsamba at panalangin ng paghingi. Ang bawat isa sa dalawa ay nag-oobliga sa isa pa.
Ang panalangin ng pagsamba ay ang pagpapakalapit kay Allāh - pagkataas-taas Niya - para sa pagtamo ng hinihiling, o pagtulak ng nakapagdadalamhati, o pag-aalis ng pinsala sa pamamagitan ng pagpapakawagas ng pagsamba sa Kanya - tanging sa Kanya. Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 21:87-88): "[Banggitin] si Dhunnūn noong umalis siya habang nagagalit at inakala niya na hindi Kami makakakaya sa kanya, ngunit nanawagan siya sa loob ng mga kadiliman, na [nagsasabi]: 'Walang Diyos kundi Ikaw, napakamaluwalhati Mo; tunay na ako noon ay kabilang sa mga lumalabag sa katarungan.' Kaya tumugon kami sa kanya at iniligtas Namin siya mula sa hapis. Gayon Kami nagpapaligtas sa mga mananampalataya."
Ang panalangin ng paghingi ay ang paghiling na pakikinabang ng dumadalangin gaya ng pagtamo ng pakinabang o pag-alis ng pinsala. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 3:16): "Panginoon Namin, tunay na kami ay sumampalataya kaya magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala namin at iadya Mo kami sa pagdurusa sa Apoy."
Ang panalangin ayon sa natatanging katangian ay ang diwa ng pagsamba at buod nito. Ito ay pinakamadali rito sa paghiling, pinakamagaan sa pagsasagawa, pinakadakila sa kalagayan at resulta. Ito ay kabilang sa pinakamalakas sa mga kadahilanan sa pagtulak sa kinasusuklaman at pagtamo sa hinihiling ayon sa kapahintulutan ni Allāh - pagkataas-taas Niya.
Sabihin mo: Hindi tinatanggap ang gawain sa ganang kay Allāh hanggang sa malubos rito ang dalawang kundisyon. Ang unang kundisyon: na ang gawain ay wagas na ukol kay Allāh. Ang patunay nito ay ang sabi ni Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 98:5): "Sabihin mo: 'Ako ay tao lamang tulad ninyo, na ikinasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya ang sinumang umaasa ng pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man.'"
Ang ikalawang kundisyon: na ito ay umaalinsunod sa Batas ng Islām na inihatid ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ang patunay nito ay ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 3:31): "Sabihin mo: 'Kung kayo ay umiibig kay Allāh ay sundin ninyo ako; iibigin kayo ni Allāh" Ang sabi naman ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang gumawa ng isang gawaing hindi ayon sa utos namin, ito ay tatanggihan." Isinaysay ito ni Imām Muslim. Kapag ang gawain ay hindi umaalinsunod sa patnubay ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - tunay na ito ay hindi tatanggapin kahit pa ang gumagawa nito ay nagpapakawagas.
S. Sabihin mo: Hindi, at kailangan ng pagsasama ng pagkamaayos ng layunin, ang pagpapakawagas sa gawain alang-alang kay Allāh kasama ng paggawa alinsunod sa Batas ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ang patunay ay ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 18:110): "Kaya ang sinumang umaasa ng pakikipagtagpo sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man." Isinakundisyon ni Allāh sa talata para sa pagtanggap sa gawain ang pagkamaayos ng layunin, at na ang gawain ay maayos na umaalinsunod sa Batas ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.
S. Sabihin mo: Tatlong uri: 1. Tawḥīd Ar-Rubūbīyah (Paniniwala sa Kaisahan sa Pagkapanginoon). Ito ay ang paniniwalang tandisan na si Allāh ay ang Tagapaglikha, ang Tagapagtustos, ang Tagapangasiwa sa mga nilikha sa kalahatan - walang katambal sa Kanya at walang tagatulong. Ito ay ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh sa mga gawain Niya. Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 35:3): "O mga tao, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo. May tagapaglikha pa bang iba pa kay Allāh, na nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? Walang Diyos kundi Siya; kaya bakit pa kayo bumabaling palayo?" Nagsabi pa si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 51:58): "Tunay na si Allāh ay ang palatustos, ang may lakas, ang matibay." Nagsabi pa si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 32:5): "Pinangangasiwaan Niya ang kapakanan mula sa langit patungo sa lupa" Nagsabi pa si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 7:54): "Pakatandaan, Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Napakamapagpala ni Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang."
2. Tawḥīd Al-Asmā' wa Aṣ-Ṣifāt (Paniniwala sa Kaisahan sa mga Pangalan at mga Katangian). Ito ay ang paniniwalang tandisan na taglay ni Allāh ang mga pangalang napakagaganda at mga katangiang lubos na napagtibay sa Qur'ān at Sunnah nang walang takyīf (paglalarawan sa kahulugan), walang tamthīl (pagtutulad sa kahulugan), walang taḥrīf (paglilihis sa kahulugan), at walang ta`ṭīl (pagtanggi sa kahulugan), na walang katulad sa Kanya na anuman. Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 42:11): "Walang katulad sa Kanya na anumang bagay, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita." Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 7:180): "Taglay ni Allāh ang mga pangalang napakagaganda kaya dumalangin kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito."
3. Tawḥīd A-Ulūhīyah (Paniniwala sa Kaisahan sa Pagkadiyos). Ito ay ang pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagsamba - tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ito ay ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh sa pinag-uukulan ng mga gawaing pagsamba ng mga tao. Nagsabi si Allāh – pagkataas-taas Niya – (Qur'ān 98:5): "Walang ipinag-utos sa kanila kundi upang sambahin nila si Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon" Nagsabi pa Siya – pagkataas-taas – (Qur'ān 21:25): "Hindi Kami nagsugo noong wala ka pa ng anumang sugo malibang nagsisiwalat Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako kaya sambahin ninyo Ako." Ang paghahating ito ay para sa pagpapaliwanag pangkaalaman at kung hindi, ito ay magkakasama sa paniniwala sa pinag-isang sinusunod sa Qur'ān at Sunnah.
S. Sabihin mo: Ito ay ang Shirk. Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 5:72): "Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga nagsabi: 'Tunay na si Allāh ay ang Kristo na anak ni Maria,' samantalang nagsabi ang Kristo: 'O mga anak ni Israel, sambahin ninyo si Allāh, ang Panginoon ko at ang Panginoon ninyo.' Tunay na ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay nagkait nga si Allāh sa kanya ng Paraiso at ang kanlungan niya ay ang Apoy. Hindi magkakaroon ang mga lumalabag sa katarungan ng anumang mga tagaadya." Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 4:48): "Tunay na si Allāh ay hindi magpapatawad na tambalan Siya ngunit magpapatawad Siya sa anumang mababa roon sa kaninumang loloobin Niya." Yayamang Siya - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - ay hindi magpapatawad doon ay isang patunay na iyon ay pinakasukdulan sa mga pagkakasala. Nililiwanag iyon ng sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - noong tinanong siya kung aling pagkakasala ang pinakasukdulan at nagsabi siya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Na gawan mo si Allāh ng isang kaagaw gayong Siya lumikha sa iyo..." Napagkaisahan ang katumpakan. Ang kaagaw ay ang ipinapantay at ang itinutulad.
Ang Shirk ay na gawan ng isa si Allāh ng isang kaagaw - ibig sabihin: ipinapantay o kapara - gaya ng isang hari, o sugo, o katangkilik, at tulad niyon, at maniniwala kaugnay rito ng anumang gaya ng mga katangian ng pagkapanginoon o mga kaukulan nito gaya ng paglikha o paghahari o pangangasiwa, o nagpapakalapit-loob dito kaya dumadalangin dito o umaasa dito o nangangamba rito o nananalig dito o nagmimithi rito bukod pa kay Allāh o kasama kay Allāh kaya magbabaling dito ng anuman kabilang sa mga pagsambang pampananalapi o pisikal na inilalantad o inililingid.
S. Sabihin mo: Dalawang bahagi.
1. Ang Malaking Shirk. Ito ay ang pagbaling ng isa sa mga uri ng pagsamba sa iba pa kay Allāh gaya ng pananalig sa iba pa sa Kanya, o paghiling ng ayuda mula sa mga patay, o pag-aalay sa iba pa kay Allāh, o pamamanata sa iba pa kay Allāh, o pagpapatirapa sa iba kay Allāh, o pagpapasaklolo sa iba pa kay Allāh sa anumang walang nakakakaya roon kundi si Allāh gaya ng pagpapasaklolo sa mga nakaliban o mga patay at walang gumagawa ng mga kamangmangang ito kundi ang sinumang naniwala sa kakayahan nila sa pagtugon o sa paggawa ng walang nakakakaya kundi si Allāh. Kaya siya, dahil doon, ay naging isang naniniwala kaugnay sa nilikhang iyon ng isang bagay na bahagi ng mga kakanyahan ng pagkapanginoon. Nagpapasailalim siya roon at nagpapakaaba siya roon nang pagpapakaaba ng pagkaalipin kaya sumasalig siya roon, nagsusumamo siya roon, nagpapasaklolo roon, nananawagan siya roon habang humihingi roon ng hindi nakakakaya ng anumang nilikha. Kataka-takang nagpapasaklolo sa isang walang-kakayahan na hindi nakapagdudulot para sa sarili nito ng isang pinsala ni pakinabang at hindi nakapagdudulot ng kamatayan ni buhay ni pagbubuhay. Ang sinumang walang-kakayahan sa pagtulak sa pinsala palayo sa sarili niya, papaano siyang magdudulot nito sa iba pa sa kanya? Walang iba ang gawain ito kundi gaya ng pagpapasaklolo ng nalulunod sa nalulunod. Kaya, o napakamaluwalhati ni Allāh, papaanong napapawi ang mga paningin ng iba sa kanila at nawawala ang mga isip nila at ginagawa nila itong Shirk na kumukontra sa Batas ng Islām, na sumisira sa mga isip, na sumasalungat sa nadarama?
2. Ang Maliit na Shirk. Ito ay gaya ng kaunting pagpapakitang-tao, gaya ng sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang higit na pinangangambahan sa pinangangambahan ko sa inyo ay ang Maliit na Shirk. Tinanong siya tungkol dito kaya nagsabi siyang ang pagpapakitang-tao." Isinaysay ito ni Imām Muslim. Ito ay gaya rin ng panunumpa sa iba pa kay Allāh. Nagsabi ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang nanumpa sa iba pa kay Allāh ay tumanggi ngang sumampalataya o nagtambal nga [kay Allāh]." Isinaysay ito ni Imām At-Tirmidhīy.
S. Sabihin mo: Dalawang uri.
1. Malaking Kawalang-pananampalataya. Ito ay nagpapalabas sa kapaniwalaan. Ito ay sumisira sa ugat ng relihiyon gaya ng sinumang nanlait kay Allāh o sa relihiyon Niya o sa propeta Niya o nagbiro o nanuya sa anuman sa Batas ng Islām at Relihiyon o tumutol kay Allāh ng panuto Niya o utos Niya o pagsaway Niya kaya naman nagpasinungaling kay Allāh at sa Sugo Niya o nagkaila sa anumang isinatungkulin ni Allāh sa mga lingkod Niya o nagturing na ipinahihintulot ang ipinagbawal ni Allāh at ng Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 9:65-66): "Sabihin mo: 'Kay Allāh, sa mga Tanda Niya, at sa Sugo Niya ba kayo nangungutya?' Huwag kayong magdahilan; tumanggi nga kayong sumampalataya matapos ng pananampalataya ninyo."
2. Maliit na Kawalang-pananampalataya. Ito ay ang tinawag ng legal na patunay bilang kawalang-pananampalataya at hindi malaki. Tinatawag ito na kawalang-pagkilala sa biyaya o maliit na kawalang-pananampalataya gaya ng pakikipaglaban sa Muslim, pagpapawalang-kaugnayan sa kaangkanan, pananaghoy sa patay, at tulad niyon na kabilang sa mga katangian ng Panahon ng Kamangmangan. Nagsabi ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang paglait sa Muslim ay kasuwailan at ang pakikipaglaban sa kanya ay kawalang-pananampalataya." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy. Nagsabi pa ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "May dalawang [gawain] sa mga tao na sa kanila ay may kawalang-pananampalataya: ang paninirang-puri sa mga kaangkanan at ang pananaghoy sa patay." Isinaysay ito ni Imām Muslim. Ang mga gawain ito ay hindi nagpapalabas sa Kapaniwalaan subalit ang mga ito ay bahagi ng mga malaking kasalanan. Ang pagpapakupkop ay kay Allāh!
S. Sabihin mo: Dalawang uri: Malaking Pagpapaimbabaw at Maliit na Pagpapaimbabaw.
Ang Malaking Pagpapaimbabaw (Nifāq). Ito ay ang pagpapakita ng pananampalataya at ang pagkukubli ng kawalang-pananampalataya. Ito ay bahagi ng pinakasukdulan sa mga epekto ng pagkamuhi sa Relihiyong Islām, pagkasuklam sa pananaig nito, pagkamuhi sa mga alagad nito, ang mga Muslim, at pagpupunyagi sa pakikidigma sa kanila at paninira sa relihiyon nila.
Ang Maliit na Pagpapaimbabaw. Ito ay ang pagpapakawangis sa mga gawain ng mga mapagpaimbabaw nang walang pagkukubli sa kawalang-pananampalataya, gaya ng sinumang kapag nagsalita siya ay nagsisinungaling, kapag nangako siya ay sumisira, at kapag pinagkatiwalaan siya ay nagtataksil. Nagsabi ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang tanda ng mapagpaimbabaw ay tatlo: kapag nagsalita siya ay nagsisinungaling, kapag pinagkatiwalaan siya ay nagtataksil, at kapag nangako siya ay sumisira." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy.
S. Sabihin mo: Ang panira ay ang tagapawalang-saysay at ang tagapanggulo. Kapag nangyari ito sa anuman ay nagpapawalang-saysay ito roon at nanggugulo ito roon gaya ng mga panira ng wuḍū', na ang sinumang gumawa nito ay nawawalang-saysay ang wuḍū' niya at kinakailangan sa kanya ang pag-uulit nito. Tulad nito ang mga panira sa Islām. Kapag ginawa ito ng tao, nagugulo at nawawalang-saysay ang pagkaanib niya sa Islām at lumalabas ang gumagawa nito mula sa bakuran ng Islām patungo sa kawalang-pananampalataya. Bumanggit nga ang mga maalam sa mga paksa ng riddah (pagtalikod sa Islām) at ng hatol sa murtadd (tumalikod sa Islām) ng maraming uri ng nagpapatalikod sa Muslim sa relihiyon niya at nagpapanganib sa buhay niya at yaman niya. Ang pinakamapanganib sa mga ito, ang pinakamabigat sa mga ito, at ang pinakamadalas maganap at napagkaisahan ng mga maaalam ay sampung panira. 1. Ang Shirk (Pagtatambal) sa pagsamba kay Allāh - pagkataas-taas Niya. Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 4:116): "Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatawad na tambalan Siya ngunit nagpapatawad Siya sa anumang mababa roon sa kaninumang loloobin Niya." Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 5:72): "Tunay na ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay nagkait nga si Allāh sa kanya ng Paraiso at ang kanlungan niya ay ang Apoy. Hindi magkakaroon ang mga lumalabag sa katarungan ng anumang mga tagaadya." Kabilang doon ang pagdalangin sa mga iba pa kay Allāh, ang pagpapasaklolo at ang pagpapakupkop sa kanila, ang pamamanata at ang pag-aalay sa kanila gaya ng sinumang nag-aalay para sa jinn o para sa libingan o para sa katangkilik (walīy) buhay man o patay para magtamo ng kabutihang magtutulak ng pinsala gaya ng ginagawa ng mga mangmang na nalinlang ng mga kasinungalingan at mga kalabuan ng mga bulaang naliligaw.
2. Ang sinumang naglagay sa pagitan niya at ni Allāh ng mga tagapagpagitna na dinadalanginan niya, hinihingan niya ng pamamagitan nila, at pinananaligan niya sa pagtamo ng mga kahilingan niya at mga minimithi niyang pangmundo at pangkabilang-buhay, ay tumanggi ngang sumampalataya ayon sa pagkakaisa ng hatol. Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 72:20): "Sabihin mo: 'Dumadalangin lamang ako sa Panginoon ko at hindi ako nagtatambal sa Kanya ng isa man.'"
3. Ang hindi nagturing na tumatangging sumampalataya ang mga Mushrik o nagduda sa kawalang-pananampalataya nila o nagturing na tumpak ang paninindigan nila ay tumangging sumampalataya. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 9:30): "Nagsabi ang mga Hudyo: 'Si Ezra ay anak ni Allāh,' at nagsabi ang mga Kristiyano: 'Ang Kristo ay anak ni Allāh.' Iyon ay ang sabi nila sa pamamagitan ng mga bibig nila; nagwawangis sila sa sabi ng mga tumangging sumampalataya noong una. Isinumpa sila ni Allāh, papaano silang sumisinsay?" Ito ay dahil sa ang pagkalugod sa kawalang-pananampalataya ay isang kawalang-pananampalataya. Hindi tutumpak ang pagrerelihiyon malibang sa pamamagitan ng pagtangging sumampalataya sa nagdidiyus-diyusan sa pamamagitan ng paniniwala sa kabulaanan ng iba pa sa Relihiyong Islām, ng pagkasuklam dito, ng pagpapawalang-kaugnayan dito at sa mga alagad nito, at ng pakikipagpunyagi sa kanila sa abot ng makakaya.
4. Ang sinumang naniwala na ang iba pa sa patnubay ng Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay higit na lubos kaysa sa patnubay niya o na ang hatol ng iba pa sa kanya ay higit na mahusay kaysa sa hatol niya gaya ng nagmamainam sa hatol ng mga nagdidiyus-diyusan at ng mga batas ng ng tao at mga hatol nila higit sa hatol ni Allāh at ng Sugo Niya. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 4:65): "Kaya hindi, sumpa man sa Panginoon mo, hindi sila sumasampalataya hanggang sa pinahahatol ka nila sa anumang naganap na pagtatalo sa pagitan nila, pagkatapos ay hindi sila nakatatagpo sa mga sarili nila ng isang kabalisaan sa anumang inihusga mo at nagpapasakop sila nang isang pagpapasakop [na lubos]." Ang sinumang nagmagaling sa mga pamamaraan ng mga shaykh ng kaligawan ng Sufismo, at mga pakikipag-usap nila, at mga bid`ah nila higit sa Tumpak na Sunnah habang siya ay nakaaalam na ang mga ito ay Sunnah ng Propeta, ang sinumang gumawa ng ganito, siya ay tumatangging sumampalataya ayon sa pagkakaisa ng hatol ng Islām.
5. Ang sinumang nasuklam sa anumang inihatid ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - kahit pa nagsagawa siya nito ay tumanggi ngang sumampalataya. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 47:9): "Iyon ay dahil sa sila ay nasuklam sa ibinaba ni Allāh kaya naman nagpawalang-kabuluhan Kami sa mga gawa nila."
6. Ang sinumang nangutya sa anuman sa Relihiyon ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - gaya ng sinumang nagbibiro sa ilan sa mga kahatulan niya, mga batas niya, mga sunnah niya, o mga panuto niya, o nangungutya sa anumang inihanda ni Allāh gaya ng gantimpala para sa mga tumatalima o parusa para sa mga sumusuway kabilang sa ipinabatid ni Allāh at ng Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay tumanggi ngang sumampalataya. Ang patunay ay ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 9:65-66): "Sabihin mo: 'Kay Allāh, sa mga Tanda Niya, at sa Sugo Niya ba kayo nangungutya?' Huwag kayong magdahilan; tumanggi nga kayong sumampalataya matapos ng pananampalataya ninyo."
Ang panggagaway (karunungang itim) ay hindi nangyayari malibang sa pamamagitan ng paggamit ng mga jinn at mga demonyo at ng pagtatambal sa kanila [kay Allāh] at ng paggawa ng mga gawaing pangkawalang-pananampalataya upang magtamo ng pagkalugod nila. Kabilang rito ang pampalayo ng damdamin at ang gayuma na nakaaapekto sa mga damdamin ng mga tao at mga pagsinta nila. Kaya ang sinumang gumawa nito nalugod dito ay tumanggi ngang sumampalataya. Ang patunay ay ang sabi ni Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 2:102): "ngunit hindi nagtuturo silang dalawa sa isa man malibang nagsasabi silang dalawa: 'Kami ay tukso lamang, kaya huwag kang tumangging sumampalataya.'"
8. Ang pagsuporta sa mga Mushrik, ang pakikipagtulungan sa kanila, at ang pag-adya sa kanila laban sa mga Muslim. Ang patunay ay ang sabi ni Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 5:51): "Ang sinumang tumatangkilik sa kanila mula sa inyo, tunay na siya ay kabilang sa kanila. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong lumalabag sa katarungan."
9. Ang sinumang naniwala na ang ilan sa mga tao ay maipahihintulot sa kanila ang paglabas sa Batas ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - gaya ng pagkapahintulot kay Al-Khiḍr ng paglabas sa Batas ni Moises - sumakanya ang pangangalaga - siya ay tumatangging sumampalataya dahil ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 3:85): "Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga malulugi."
10. Ang pag-ayaw sa Relihiyon ni Allāh: hindi pinag-aaralan ito at hindi ginagampanan ito. Ang patunay ay ang sabi ni Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 32:22): "Sino ang higit na lumalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pinaalalahanan ng mga tanda ng Panginoon niya, pagkatapos ay umaayaw sa mga ito? Tunay na Kami, sa mga salarin, ay maghihiganti." Ang tinutukoy ng pag-ayaw sa Relihiyon ni Allāh ay ang hindi pag-aaral ng kinakailangan sa kanya kabilang sa anumang katuruang hindi tutumpak ang pagrerelihiyon niya malibang sa pamamagitan ng pagkakaalam niya ng mga batayang katuruan ng relihiyon niya.
Matapos ng pagbanggit ng mga panirang ito, minamagaling sa atin ang pagbanggit sa dalawang panawag-pansin:
Ang pagbanggit ng mga nakasisirang ito ay para mapagbalaan laban sa mga ito at magbigay-babala sa mga tao tungkol sa mga ito sapagkat tunay na ang mga demonyo at ang mga katulong nilang mapamahiing tagapagpaligaw ay nag-aabang sa mga Muslim at nananamantala sa pagkalingat ng ilan sa kanila at kamangmangan nila upang palabasin sila sa bakuran ng katotohanan tungo sa kabulaanan at upang ibaling sila palayo sa landas ng Paraiso tungo sa Impiyerno.
Ang pagpapababa sa mga panirang ito sa panahon ngayon ay tungkulin ng mga maaalam na nagpakalalim sa kaalaman sapagkat sila ay ang mga nakaaalam sa mga patunay, mga kahatulan, at mga patakaran para sa pagpapababa sa mga kahatulan sa mga tao at hindi ipinahihintulot sa bawat isa iyon.
S. Sabihin mo: Hindi hahatol sa isa man ng pagpasok sa Paraiso o Impiyerno maliban sa mga nasaad ang teksto kaugnay sa kanila subalit inaasahan para sa tagagawa ng maganda ang gantimpala at pinangangambahan para sa tagagawa ng masagwa ang parusa. Nagsasabi tayong ang bawat namatay sa pananampalataya, ang kauuwian niya ay ang Paraiso; at ang bawat namatay sa shirk at kawalang-pananampalataya, siya ay kabilang sa mga mananahan sa Impiyerno, at kay saklap ang pamamalagian!
S. Sabihin mo: "Hindi hahatol sa Muslim ng kawalang-pananampalataya dahilan sa pagkahumaling niya sa mga pagkakasala at mga pagsuway kahit pa man mga ito ay mga malaking kasalanan hanggat nanatili ang mga ito na hindi kabilang sa mga tagapagpawalang-pananampalataya na ipinahiwatig ng mga tekstong pambatas sa Qur'ān at Sunnah. Nagsabi nito ang mga Kasamahan at ang mga Imān. Nananatili siya sa pananampalataya niya ngunit siya ay nagiging kabilang sa mga sumusuway sa mga alagad ng Tawḥīd hanggat hindi siya nasasadlak sa Malaking Kawalang-pananampalataya o Malaking Shirk o Malaking Pagpapaimbabaw."
Sabihin mo: Ang kalagayan ng dila ay mabigat sapagkat dahil sa isang pangungusap ay nakapapasok ang tao sa Islām at maaaring nakalalabas siya mula rito dahil sa isang pangungusap. Ang pagpapakupkop ay kay Allāh! Ang mga pagkadulas ng dila at ang mga pagkatisod nito ay nagkakaiba-iba. Kabilang sa mga ito ang pangungusap na pangkawalang-pananampalataya na nagpapawalang-saysay sa pananampalataya at nagpapawalang-kabuluhan sa mga gawa, gaya ng panlalait kay Allāh o panlalait sa Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - o mga salita ng paglalarawan sa mga dinadakila at mga walīy sa pamamagitan ng mga paglalarawan sa pagkapanginoon, pagpapasaklolo sa kanila, at pag-uugnay sa kanila ng biyaya at ng anumang nangyayari sa tao; o pangungutya sa Batas ng Islām at pagbibiro sa mga patakaran nito at kabilang sa mga ito ang pagkainis sa mga kahatulang legal ni Allāh o ang pagkainis at ang pagtutol sa mga nakasasakit na kahatulan ng Qadr kabilang sa mga kinasusuklamang nangyayari sa Mundo gaya ng mga sakuna sa katawan, ari-arian, anak, at iba pa.
Kabilang sa mga malaking kasalanang nakapipinsala sa pananampalataya at nakababawas dito ay ang panlilibak at ang tsismis. Kaya mag-ingat tayo nang lubusang pag-iingat at mangalaga tayo sa mga dila natin laban sa bawat pananalitang sumasalungat sa Batas ni Allāh at Sunnah ng Propeta Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nagsabi ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ang tao ay talagang nagsasalita ng isang pangungusap na bahagi ng kaluguran ni Allāh, na hindi man siya nag-uukol dito ng pansin ay iaangat naman siya ni Allāh dahil dito sa mga antas; at tunay na ang tao ay talagang nagsasalita ng isang pangungusap na bahagi ng kinaiinisan ni Allāh, na hindi man siya nag-uukol dito ng pansin ay ibabagsak naman siya dahil dito sa Impiyerno."
S. Sabihin mo: Hindi napuputol ang gawain ng mananampalataya malibang dahil sa kamatayan. Ang patunay ay ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 15:99): "Sambahin mo ang Panginoon mo hanggang sa datnan ka ng katiyakan." Ang katiyakan dito ay ang kamatayan ayon sa patunay ng sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - tungkol kay `Uthmān bin Mađ`ūn noong namatay siya: "Tungkol naman kay `Uthmān, pumunta nga sa kanya, sumpa man kay Allāh, ang katiyakan." Itinala ito ni Imām Al-Bukhārīy. Ito rin ay dahil ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay hindi nag-iwan sa gawain sa buhay niya. Ang kahulugan ng katiyakan dito ay hindi isang antas ng pananampalataya, na titigil dito ang mananampalataya sa gawain o naaalis sa kanya ang gawain, gaya ng inaakala ng iba sa mga nalilihis.
S. Sabihin mo: Ang nangangasiwa ng nauukol sa mga langit at lupa at sinumang nasa loob ng mga ito at nasa pagitan ng mga ito ay si Allāh - tanging Siya: walang katambal sa Kanya, ni tagapagmay-aring iba pa sa Kanya, ni katambal sa Kanya, ni tagatulong, ni alalay sa Kanya - napakamaluwalhati Niya at kalakip ng papuri sa Kanya. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - Qur'ān 34:22: "Sabihin mo: 'Dumalangin kayo sa mga [diyos na] inakala ninyo bukod pa kay Allāh. Hindi sila nagmamay-ari ng kasimbigat ng isang langgam sa mga langit ni sa lupa. Hindi sila nagkaroon sa mga ito ng anumang pakikitambal at hindi Siya nagkaroon mula sa kanila ng anumang alalay.'"
S. Sabihin mo: Ang sinumang naniwala rito ay nagkaisa nga ang mga maalam sa hatol ng kawalang-pananampalataya niya dahil siya ay naniwala sa kairalan ng isang nakikitambal kay Allāh sa pagkapanginoon Niya.
S. Sabihin mo: Walang nakaaalam sa Ghayb (Lingid) kundi si Allāh at walang nakabubuhay sa mga patay kundi si Allāh. Ang patunay ay ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 7:188): "Sabihin mo: 'Kung sakaling nangyaring nalalaman ko ang Lingid, talagang nagtamo sana ako ng maraming kabutihan at hindi sana ako dinapuan ng isang kasagwaan." Kaya kapag ang Sugo ni Allah - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ang pinakamainam na nilikha ay hindi nakaaalam sa Lingid, ang sinumang mababa sa kanya ay higit na karapat-dapat at higit na nababagay na hindi makaalam sa Lingid.
Napagkaisahan ng apat na imām na ang sinumang naniwala na ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay nakaaalam sa Lingid o nakabubuhay ng mga patay, ito ay tumiwalag sa Islām dahil ito ay nagpasinungaling kay Allāh na nag-utos sa Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na magsabi sa tao at jinn (Qur'ān 6:50): "Sabihin mo: 'Hindi ako nagsasabi sa inyo na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh. Hindi ako nakaaalam sa Lingid. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay isang anghel. Wala akong sinusunod kundi ang isiniwalat sa akin.'" Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 31:34): "Tunay na si Allāh ay may taglay sa kaalaman sa Huling Sandali, nagpapababa ng ulan, at nakaaalam sa mga nasa mga sinapupunan. Hindi namamalayan ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan. Hindi namamalayan ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay. Tunay na si Allāh ay maalam, nakababatid." Kaya naman ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay walang nalalaman sa alinman sa Lingid maliban sa ikinasi sa kanya ni Allāh at itinuro sa kanya. Hindi nag-angkin ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa isang araw na siya ay bumuhay ng isa kabilang sa mga Kasamahan Niya o isa kabilang sa mga mga anak niya na namatay bago niya, kaya papaano na silang mababa sa Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan?
S. Sabihin mo: Ang bawat mananampalatayang taqīy (mapangilag sa pagkakasala), siya para kay Allāh ay isang walīy (katangkilik). Ang patunay ay ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 10:62-63): "Pakatandaan, tunay na ang mga katangkilik ni Allāh ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot. [Sila] ang mga sumampalataya at sila ay nangingilag magkasala." Hindi ito natatangi sa isa sa mga mananampalataya bukod pa sa iba subalit ang mga antas nito ay nakakaiba-iba. Ang taqwā (pangingilag sa pagkakasala) ay nangangahulugan ng paggawa sa ipinag-utos ni Allāh at ng Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at pag-iwas sa sinaway ni Allāh at ng Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ang bawat mananampalataya ay may wilāyah ayon sa sukat ng pananampalataya niya at pagtalima niya.
S. Sabihin mo: Ang talata ay hindi nangangahulugan ng pagpapahintulot ng pagdalangin sa kanila o ng pagpapasaklolo o ng pagpapakupkop sa kanila, bagkus nasaad dito ang paglilinaw sa kalagayan nila, na walang pangamba sa kanila sa Mundo at Kabilang-buhay, ni sila ay hindi malulungkot sa Kabilang-buhay. Nasaad dito ang pag-aanyaya sa pagsasaasal ng pagiging walīy sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaisahan (tawḥīd) ni Allāh at sa pamamagitan ng pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - upang matamo ang nakalulugod na balita sa sabi Niya - pagkataas-taas Niya: "walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot." Ang pagdalangin sa iba pa kay Allāh ay shirk gaya ng naunang paglilinaw nito.
S. Sabihin mo: Ang sinumang walīy na kabilang sa hindi mga propeta, tunay na siya ay hindi napangalagaan sa pagkakasadlak sa mga maliit na kasalanan o mga malaking kasalanan sapagkat may nasadlak sa hindi iisa sa mga pinakamalaki sa mga walīy at mga ṣāliḥ (maayos na tao) sa ilang mga pagkakadapa, mga pagkatisod, at mga pagkabuyo subalit sila ay nagdadali-dali sa pagbabalik-loob at pagsisisi kaya nagpatawad sa kanila si Allāh.
S. Sabihin mo: Ang tumpak ay na si Al-Khiḍr ay isang propeta kabilang sa mga propeta ni Allāh, na namatay bago ang kapanganakan ng Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - dahil si Allāh - pagkataas-taas Niya - ay nagsabi (Qur'ān 21:34): "Hindi Kami gumawa para sa isang tao bago mo ng pananatili. Kaya kung namatay ka, sila ba ay ang mga mananatili?" Kung sakaling siya ay buhay, talaga sanang sumunod siya sa Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at nakibaka kasama nito dahil ang Propeta nating si Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay isinugo sa mga tao at mga jinn sa kalahatan. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 7:158): "Sabihin mo: 'O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo sa kalahatan," Ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay nagsabi naman: "Naisaalang-alang ba ninyo ang gabi ninyong ito sapagkat tunay na sa simula ng isandaang taong ito, mula rito, ay walang matitirang isa kabilang sa sinumang nasa ibabaw ng balat ng lupa." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy. Ito ay isang patunay na si Al-Khiḍr ay isang patay kabilang sa mga patay. Batay rito, siya ay hindi nakaririnig sa isang panawagan ng sinumang nanawagan sa kanya at hindi nagpapatnubay sa sinumang naligaw sa landas kapag humiling ng patnubay sa kanya. Ang binabanggit na mga balita ng pakikipagtagpo sa kanya ng ilan sa mga tao at mga kuwento ng pagkakita sa kanya, pagkakasama sa kanya, at pagkatuto raw ng ilan sa kanila buhat sa kanya, ang mga ito ay mga haka-haka o mga kasinungalingang hayagan, na hindi pinapatulan ng sinumang tinustusan ni Allāh ng kaalaman, isip, at pagkatalos.
S. Sabihin mo: Ang mga patay ay hindi nakaririnig dahil ang sabi ni Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 35:22): "samantalang ikaw ay hindi nakapagpaparinig sa sinumang mga nasa mga libingan." Ang sabi pa Niya (Qur'ān 27:80): "Tunay na ikaw ay hindi nakapagpaparinig sa mga patay" Hindi sila tumutugon sa sinumang dumalangin sa kanila. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 35:13-14): "samantalang ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa sa Kanya ay hindi nagmamay-ari ng kahit isang lamad ng buto ng datiles. Kung dadalangin kayo sa kanila ay hindi sila makaririnig sa panalangin ninyo, at kung sakaling nakarinig sila ay hindi sila tutugon sa inyo. Sa Araw ng Pagbangon ay itatanggi nila ang pagtatambal ninyo [sa kanila kay Allāh]. Walang makapagbabalita sa iyo ng tulad ng isang nakababatid." Ang sabi pa Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 46:5): "Sino ang higit na ligaw kaysa sa sinumang dumadalangin sa kabilang sa iba pa kay Allāh, na hindi tumutugon sa kanya hanggang sa Araw ng Pagkabuhay samantalang ang mga ito, sa panalangin sa mga ito, ay mga nalilingat?"
S. Sabihin mo: Ang mga ito ay mga tinig ng mga demonyo ng mga jinn, na inaakala ng mga mangmang na ito ay mga tinig ng nakalibing sa libingan upang tuksuin nila ang mga iyon at lituin nila ang mga iyon sa relihiyon ng mga iyon. Ang mga nakalibing sa mga libingan ay hindi nakaririnig at hindi tumutugon sa sinumang dumadalangin sa kanila o nananawagan sa kanila. Ayon sa teksto ng Qur'ān, nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 27:80): "Tunay na ikaw ay hindi nakapagpaparinig sa mga patay" Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 35:14): "Kung dadalangin kayo sa kanila ay hindi sila makaririnig sa panalangin ninyo," Nagsabi pa siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 35:22): "samantalang ikaw ay hindi nakapagpaparinig sa sinumang mga nasa mga libingan." Kaya papaano tutugon ang mga ito sa kanila samantalang ang mga ito, sa Mundong pambarzakh ng mga ito, ay walang kaugnayan sa mga naninirahan sa Mundo? Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 46:5): "samantalang ang mga ito, sa panalangin sa mga ito, ay mga nalilingat?"
S. Sabihin mo: Sila ay hindi tumutugon sa sinumang nanawagan sa kanila at hindi nakakakaya sa pagtugon sa sinumang dumalangin sa kanila o nagpasaklolo sa kanila. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 35:13-14): "samantalang ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa sa Kanya ay hindi nagmamay-ari ng kahit isang lamad ng buto ng datiles. Kung dadalangin kayo sa kanila ay hindi sila makaririnig sa panalangin ninyo, at kung sakaling nakarinig sila ay hindi sila tutugon sa inyo. Sa Araw ng Pagbangon ay itatanggi nila ang pagtatambal ninyo [sa kanila kay Allāh]. Walang makapagbabalita sa iyo ng tulad ng isang nakababatid." O kasawian ng sinumang nalinlang ng mga demonyo at mga tagapag-anyaya ng kaligawan sapagkat ipinang-akit nila sa kanya ang pagdalangin sa mga patay at mga nakalibing na mga propeta, mga walīy, at mga ṣāliḥ! Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 46:5): "Sino ang higit na ligaw kaysa sa sinumang dumadalangin sa kabilang sa iba pa kay Allāh, na hindi tumutugon sa kanya hanggang sa Araw ng Pagkabuhay samantalang ang mga ito, sa panalangin sa mga ito, ay mga nalilingat?"
S. Sabihin mo: Tunay na ang kahulugan ng "mga buhay" sa talatang ito ay na sila ay namumuhay ng buhay ng ginhawang pangbarzakh, hindi gaya ng buhay sa Mundo, dahil ang mga kaluluwa ng mga martir ay pinagiginhawa sa Paraiso. Dahil dito, nagsabi Siya - napakamaluwalhati Niya: "sa piling ng Panginoon nila ay tinutustusan sila." Sapagkat sila ay nasa tahanang iba at mga kalagayang hindi gaya ng buhay nila at mga kalagayan nila sa pangmundong buhay, tunay na sila ay hindi nakaririnig sa sinumang dumalangin sa kanila at hindi tumutugon sa mga iyon gaya ng naunang nabanggit sa mga talata ng Qur'ān kaya naman walang salungatan sa pagitan ng mga ito. Dahil dito, ang talata ng Qur'ān ay nagsasaad na "tinutustusan sila" at hindi "tumutustos sila."
S. Sabihin mo: Ito ay isang malaking shirk dahil ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 108:2): "Kaya magdasal ka sa Panginoon mo at mag-alay." Ang sabi pa Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 6:162-163): "Sabihin mo: 'Tunay na ang dasal ko, ang handog ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang, walang katambal sa Kanya. Iyon ay ipinag-utos sa akin, at ako ay una sa mga Muslim." Ang sabi ng Sugo naman - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Isinumpa ni Allāh ang sinumang nagkatay para sa iba pa kay Allāh." Isinaysay ito ni Imām Muslim.
Ang panuntunan ay nagsasabi: “Ang anumang [gawaing] ang pagbaling nito kay Allāh ay isang pagsamba, ang pagbaling nito sa iba pa kay Allāh ay shirk."
S. Sabihin mo: Ito ay bahagi ng Malaking Shirk dahil ang sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang namanata na tatalima kay Allāh ay tumalima sa Kanya at ang sinumang namanata na susuway kay Allāh ay huwag sumuway sa Kanya." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy. Ang panata ay isang pagsambang pampananalita, pangyaman, o pangkatawan alinsunod sa ipinapanata ng namamanata. Ito ay ang pag-oobliga sa sarili ng hindi kinakailangan dito ayon sa batas ng Islām, ngunit bilang isang paghahangad sa pagtamo ng isang hinihiling o pagtulak sa isang kinasisindakan o pasasalamat dahil sa isang biyayang dumapo o sa isang kamalasang lumisan. Ito ay bahagi ng mga pagsambang hindi ipinahihintulot ang pagbaling nito sa iba pa kay Allāh dahil si Allāh ay nagpuri sa mga tumutupad sa mga panata. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 76:7): "Tumutupad sila sa mga panata at nangangamba sila sa isang araw na ang kasamaan nito ay magiging laganap."
Ang panuntunan ay nagsasabi: “Ang bawat gawaing pinapurihan ni Allāh - kapita-pitagan Siya at kataas-taasan - sa gumawa nito, ito ay napaloloob sa pagsamba at anumang isang pagsamba, ang pagbaling nito sa iba pa kay Allāh ay shirk."
S. Sabihin mo: Liliwanag ang sagot sa pamamagitan ng pagkakaalam sa tatlong uri ng pagpapakupkop:
1. Ang pagpapakupkop na pantawḥīd na pansamba ay ang pagpapakupkop kay Allāh laban sa bawat pinangangambahan mo. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 113:1): "Sabihin mo: 'Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng bukang-liwayway," Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 114:1-4): "Sabihin mo: 'Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao, ang Hari ng mga tao, ang Diyos ng mga tao, laban sa kasamaan ng bumubulong na palaurong"
2. Ang pagpapakupkop na ipinahihintulot ay ang pagpapakupkop sa nilikhang buhay, na naririyan, na nakakaya sa nakakaya [ng tao] at anumang sa pamamagitan ng mga makakayang legal sa Islām. Nagsabi ang Sugo - sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga: "Ang sinumang makatatagpo ng isang mapagkakanlungan o isang mapagpapakupkupan ay gawin niya iyon." Isinaysay ito ni Imām Muslim.
3. Ang pagpapakupkop na pangshirk ay ang pagpapakupkop sa iba pa kay Allāh sa anumang walang nakakakaya roon kundi si Allāh. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 72:6): "Na may mga lalaki ng tao na nagpapakupkop sa mga lalaki ng jinn, kaya nadagdagan nila ang mga ito ng isang pabigat."
S. Sabihin mo: Magsasabi ako ng iginabay sa akin ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nagsabi siya: "Ang sinumang tumuloy sa isang tinutuluyan ay magsabi siya ng A`ūdhu bikalimāti -llāhi -ttāmmāti min sharri mā khala (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa masama sa nilikha Niya). Hindi siya mapipinsala ng anuman hanggang sa lumisan siya mula sa tinutuluyan niyang iyon." Isinaysay ito ni Imām Muslim.
S. Sabihin mo: Ito ay bahagi ng Malaking Shirk na nagpapawalang-kabuluhan sa mga gawa, na nagpapalabas sa kapaniwalaan, na nagpapaabot sa kapahamakang walang-hanggang magpapanatili para sa sinumang nasadlak doon at hindi nagbalik-loob mula roon bago ang kamatayan, dahil ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 27:62): "O ang tumutugon ba sa nagigipit kapag dumalangin ito sa Kanya, nag-aalis ng kasagwaan," Nangangahulugan ito na walang tumutugon doon kundi si Allāh at walang nag-aalis doon kundi si Allāh. Kaya naman pinagalitan Niya - napakamaluwalhati Niya - ang nagpapasaklolo sa iba sa Kanya sa pamamagitan ng anyong patanong, dahil ang pagpapasaklolo kay Allāh ay isang pagsamba at isang pagpapatulong. Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 8:9): "[Banggitin] noong nagpasaklolo kayo sa Panginoon ninyo" Napagtibay nga sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy ayon kay Abū Hurayrah - malugod si Allāh sa kanya - na ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay nagsabi: "Huwag ko ngang matatagpuan ang isa sa inyo na darating sa Araw ng Pagbangon habang sa leeg niya ay may isang kamelyong may ungol, na nagsasabi: 'O Sugo ni Allāh, saklolohan mo ako,' sapagkat magsasabi ako: 'Wala akong makakaya para sa iyo na anuman; nagpaabot na ako sa iyo.' Huwag ko ngang matatagpuan ang isa sa inyo na darating sa Araw ng Pagbangon habang sa leeg niya ay may isang kabayong may halinghing, na nagsasabi: 'O Sugo ni Allāh, saklolohan mo ako,' sapagkat magsasabi ako: 'Wala akong makakaya para sa iyo na anuman; nagpaabot na ako sa iyo.'" Itinala ito ng dalawang Imām. Alam nating ipinahihintulot sa atin na magpasaklolo sa buhay na nilikha, na kapisan, na nasasaksihan natin at hindi nakaliban, kung iyon ay kaugnay sa nakakaya nito. Ang pagpapasaklolo sa buhay na nilikha ay nangangahulugan ng paghiling ng pag-alalay mula sa kanya sa anumang nakakaya ng tao, gaya ng paghiling ng kasamahan ni Moises mula kay Moises - sumakanya ang pangangalaga - ng pag-alalay laban sa kaaway nilang dalawa. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 28:15): "at nagpasaklolo sa kanya ang kabilang sa mga kakampi niya laban sa kabilang sa mga kaaway niya." Ang pagpapasaklolo naman sa mga nakaliban kabilang sa tao, jinn, at mga nakalibing sa mga libingan ay nagkaisa ang mga Imām sa kawalang-kabuluhan nito at pagkabawal nito at na ito ay kabilang sa shirk.
S. Sabihin mo: Hindi ito ipinahihintulot yayamang nagkaisa ang mga Imām sa pagbabawal sa bawat pangalang may panlaping "`Abdu" na nakakapit sa pangngalang ukol sa iba pa kay Allāh. Kinakailangan ang pagpapalit ng pangalang may "`Abdu" na nakakapit sa pangngalang ukol sa iba pa kay Allāh gaya ng `Abdunnabīy, o `Abdurrasūl, o `Abdulḥusayn, o `Abdulka`bah, at iba pang mga pangalang kabilang sa mga pangalang may "`Abdu" na nakakapit sa pangngalang ukol sa iba pa kay Allāh - pagkataas-taas Niya. Ang pinakakaibig-ibig sa mga pangalan kay Allāh ay `Abdullāh at `Abdurraḥmān gaya ng nasaad ḥadīth ayon sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na ang kaibig-ibig sa mga pangalan kay Allāh ay `Abdullāh at `Abdurraḥmān." Isinaysay ito ni Imām Muslim. Kinakailangan ang pagpapalit ng pangalang may "`Abdu" na nakakapit sa pangngalang ukol sa iba pa kay Allāh. Ito ay nakaugnay sa mga buhay na mga pinangalanan ng mga pangalang may "`Abdu" na nakakapit sa pangngalang ukol sa iba pa kay Allāh.
S. Sabihin mo: Ito ay kabilang sa shirk dahil ang sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang nagsabit ng anting-anting ay nagtambal nga." Isinaysay ito ni Imām Aḥmad sa Musnad niya. Ang sabi pa ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Wala ngang mananatili sa leeg ng isang kamelyo na isang kuwintas na yari sa pisi ng pana o [anumang] kuwintas malibang pinutol." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy. Ang sabi pa niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang nagtali ng balbas niya o nagkuwintas ng pisi ng pana o nag-ewang ng dumi ng isang hayop o ng isang buto, tunay na si Muḥammad ay walang-kaugnayan sa kanya." Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud. Ang sabi pa niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang nagsabit ng anting-anting ay hindi magpapalubos si Allāh [sa pagpapagaling] sa kanya." Isinaysay ito ni Ibnu Ḥibbān sa Ṣaḥīḥ niya. Nabigo ang sinumang kumapit sa mga haka-haka at mga pamahiin sapagkat nasaad sa ḥadīth: "Ang sinumang kumapit sa isang bagay ay ipagkakatiwala siya roon."
Ang gayuma (tiwalah) ay isang panggagaway (siḥr) na ginagawa. Naniniwala sila na ito ay nagpapaibig sa lalaki sa may bahay nito o nagpapahiwalay sa kanilang dalawa. Ginagawa rin nila ito upang maghasik ng pagkasuklam sa pagitan ng mga minamahal at mga kaanak.
Ang anting-anting (tamīmah) ay bagay na isinasabit sa mga bata bilang pagtutulak sa usog at inggit.
Ang kahulugan ng tamīmah. Nagsabi si Al-Mundhirīy: "[Ito ay] mga tinutuhog na butil na isinasabit nila noon, na itinuring nilang ito ay nagtutulak palayo sa kanila ng mga kapinsalaan." Ito ay kamangmangan at kaligawan dahil ito ay hindi isang kadahilanan ni batas ni tadhana. Ito ay sumasaklaw sa pagsusuot ng mga pulseras at pagsasabit ng mga tinuping [tela o papel] at mga pampasuwerte (lucky charm) sa tao, hayop, sasakyan, at bahay.
S. sabihin mo: Ito ay ang paghiling ng biyaya (barakah) at kabutihan sa pamamagitan ng mga kadahilanang ginagawa ng tao bilang paghahangad sa pagtamo ng kabutihan para kanya at pagtamo ng ninanais niya at anumang naiibigan niya.
S. Sabihin mo: Dalawang bahagi.
1. Tabarruk na isinabatas na nagpatunay ang Qur'ān at ang Sunnah sa pagkaisinasabatas nito at pakikinabang ng nagsasagawa nito. Hindi ipinahihintulot ang paniniwala sa biyaya sa isang bagay malibang ayon sa isang patunay mula sa Qur'ān at Sunnah sapagkat walang panghihimasok para sa mga isip at pagmamagaling kaugnay roon. Hindi natin nalalamang ang bagay na ito ay biniyayaan o may biyaya malibang sa pamamagitan ng ulat mula sa Tagapaglikhang Marunong - mapagpala Siya at pagkataas-taas Niya - o mula sa Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ang biyaya at ang kabutihan, ang lahat ng ito, ay nasa pagsunod sa Qur'ān at Sunnah. Mula rito ay nalalaman natin ang mga bagay na mabiyaya at kung papaano tayong magpapabiyaya sa pamamagitan ng mga ito gaya ng pagpapabiyaya sa pamamagitan ng persona ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at ng anumang nahiwalay mula sa kanya gaya ng laway at buhok, at anumang nadiitan ng katawan niya gaya ng kasuutan. Ito ay natatangi sa kanya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at sa anumang napagtibay na nakaugnay sa kanya at mula sa kanya gaya ng buhok at kasuutan. Ang mga alagad ng pamahiin ay nagsisinungaling at nag-aangking mayroon silang buhok mula sa buhok niya at kasuutan mula sa kasuutan niya. Lahat ng ito ay para paglaruan ang mga isip ng ilan sa mga Muslim, guluhin ang relihiyon nila, at dambungin ang ari-arian nila sa Mundo.
2. Ang tabarruk na pinipigilan: ang ipinagbabawal na umaabot sa pagtatambal kay Allāh gaya ng tabarruk sa mga katawan ng mga taong maayos at sa anumang nahiwalay mula sa kanila, tabarruk sa sa mga libingan nila sa pamamagitan ng pagdarasal sa tabi ng mga iyon, at tabarruk sa pamamagitan ng mga alikabok ng mga ito sa paniniwalang ito ay isang gamot. Tulad nito ang tabarruk o ang ṭawāf o ang pagsasabit ng mga tinuping [tela o papel] sa bawat bahagi, lugar, bato, at puno na pinaniniwalaan ang kainaman nito. Nalaman nga na walang natatagpuang isinasabatas na paghalik dito o paghipo rito maliban sa Itim na Bato sa Ka`bah at panulukan nito. Ang anumang iba pa rito ay ipinagbabawal ipampunas, halikan, at ikutan. Ito ay kabilang sa Malaking Shirk para sa sinumang naniwala na ito ay nagkakaloob ng biyaya sa pamamagitan ng sarili nito, o kabilang sa Maliit na Shirk para sinumang nag-akalang ito ay isang kadahilanan para sa biyaya.
S. Sabihin mo: Ito ay isang paniniwala at gawaing makabagong ginawa-gawa dahil ang mga kasamahan ng Propeta nating si Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ang pinakamaalam sa Kalipunang Islām, ang pinakamainam dito, ang pinakanakauunawa rito, ang pinakamasigasig rito sa kabutihan, at ang pinakanakakikilala sa kainaman ng mga may kainaman ay hindi nagpabiyaya sa mga labi nina Abū Bakr, `Umar, `Uthmān, at `Alīy - malugod si Allāh sa kanila - at hindi sumunod sa mga labi nila gayong sila ay ang pinakamainam sa Kalipunang Islām matapos ang mga propeta dahil sila ay nakaaalam na iyon ay natatangi sa Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Pinutol pa nga ni `Umar - malugod si Allāh sa kanya - ang punong-kahoy ng Bay`ah ar-Riḍwān dala ng pangamba sa pagpapakalabis dahil doon. Ang mga ninunong maayos ay ang pinakamasigasig sa mga tao sa kabutihan. Kung sakaling ang pagsunud-sunod sa mga labi nila ay mabuti at may kainaman ito, talaga sanang naunahan nila tayo roon.
S. Sabihin mo: Ito ay kabilang sa shirk sapagkat isinaysay nina Imām Aḥmad at Imām At-Tirmidhīy ayon kay Abū Wāqid Al-Laythīy na nagsabi: "Lumisan kami kasama ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - patungo sa Ḥunayn samantalang kami ay mga bagong galing sa kawalang-pananampalataya. Ang mga Mushrik ay may punong lotus na nananatili sila sa tabi niyon at nagsasabit sila roon ng mga sandata nila, na tinatawag na Dhātu Anwāṭ. Naparaan kami sa punong lotus kaya nagsabi kami: 'O Sugo ni Allāh, gumawa ka para sa amin ng isang Dhātu Anwāṭ.' Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: 'Si Allāh ay pinakadakila! Tunay na iyon ay ang mga kalakaran! Nagsabi kayo, sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, ng gaya sinabi ng mga anak ni Israel (Qur'ān 7:138): "O Moises, gumawa ka para sa amin ng isang diyos gaya ng pagkakaroon nila ng mga diyos. Nagsabi siya: Tunay na kayo ay mga taong nagpapakamangmang." Talagang sasakay nga kayo sa mga kalakaran ng nauna sa inyo.'"
S. Sabihin mo: Hindi ipinahihintulot ang panunumpa sa iba pa kay Allāh - pagkataas-taas Niya. Nagsabi ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang manunumpa ay manumpa siya kay Allāh o manahimik siya." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy. Sinaway ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ang panunumpa sa iba pa kay Allāh gaya ng nasaad sa sabi niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Huwag kayong manumpa sa mga magulang ninyo ni sa mga nagdidiyus-diyusan." Isinaysay ito ni Imām Muslim. Bagkus itinuring ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - iyon na bahagi ng shirk gaya ng nasaad sa sabi niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang nanumpa sa iba pa kay Allāh ay tumanging sumampalataya at nagtambal nga." Nagsabi pa ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang nanumpa sa ipinagkatiwala ay hindi kabilang sa atin." Isinaysay ito nina Imām Aḥmad, Imām Ibnu Ḥibbān, at Imām Al-Ḥākim ayon sa tumpak na kawing ng mananaysay.
Kaya mag-ingat ang Muslim laban sa panunumpa sa propeta, o walīy, o sa dangal, o sa ipinagkatiwala, o sa Ka`bah, at iba pa kabilang sa mga nilikha.
S. Sabihin mo: Hindi ipinahihintulot ang paniniwala roon dahil iyon ay lubusang walang epekto sa mga ito kaugnay roon. Walang naniniwala sa mga panginoon ng mga kabalbalan kundi ang mga mahina ang mga isip at ang mga tagasunod ng mga haka-haka. Ang paniniwala roon ay kabilang sa shirk dahil ang sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa banal na ḥadīth: "Tunay na si Allāh ay nagsasabi: Ang sinumang nagsabing inulan kami dahil sa kabutihang-loob ni Allāh at awa Niya, iyon ay isang mananampalataya sa Akin, na isang tumatangging sumampalataya sa tala. Ang sinumang nagsabing inulan kami dahil sa talang ganito at ganiyan, iyon ay isang tumatangging sumampalataya sa Akin, na isang mananampalataya sa tala." Isinaysay ito nina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim. Ang Panahon ng Kamangmangan ay naniniwalang ang mga bituin ay may epekto sa pagdating ng ulan.
S. Sabihin mo: Hindi ipinahihintulot ang paniniwala na ang mga oroskopyo, ang mga tala, at ang mga bituin ay may epekto sa nagaganap sa tao sa buhay niya, at hindi nahahayag sa pamamagitan nito ang hinaharap dahil ang kaalaman sa Ghayb ay natatangi kay Allāh, na nagsabi - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 27:65): "Sabihin mo: 'Hindi nalalaman ng sinumang nasa mga langit at lupa ang Lingid maliban kay Allāh,'" at dahil si Allāh - tanging Siya - ay ang tagapagdulot ng kabutihan at ang tagapagtulak ng kasamaan. Ang sinumang naniwala na mayroong epekto ito sa paglalantad sa mga nakalingid, sa ligaya o lumbay ng sinumang ipinanganak sa panahon ng oroskopyong iyon o oras ng paglitaw ng mga tala, o na ang mga bituin ay may epekto sa pagpapaligaya sa kanya o pagpapalumbay sa kanya, ginawa nga niya ito na isang katambal kasama kay Allāh kaugnay sa kabilang sa mga karapatan Niya at mga natatangi sa pagkapanginoon Niya. Ang sinumang nagsagawa nito ay tumanggi ngang sumampalataya. Ang pagpapakupkop ay kay Allāh!
S. Sabihin mo: Kinakailangan sa mga Muslim sa kalahatan ang paghatol ayon sa ibinaba ni Allāh dahil ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 5:49): "Humatol ka sa pagitan nila ng ayon sa ibinaba ni Allāh, huwag kang sumunod sa mga pithaya nila, at mag-ingat ka sa kanila na matukso ka nila palayo sa ilan sa ibinaba ni Allāh sa iyo. Kaya kung tumalikod sila ay alamin mo na ninanais lamang ni Allāh na parusahan sila dahil sa ilan sa mga pagkakasala nila. Tunay na marami sa mga tao ay talagang mga suwail." Pinintasan ni Allāh ang sumusunod sa mga batas ng tao ayon sa sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 5:50): "Kaya ang hatol ng Kamangmangan ba ay hinahangad nila? Sino pa ang higit na magaling kaysa kay Allāh sa paghatol para sa mga taong nakatitiyak?"
S. Sabihin mo: Ang Shafā`ah (Pamamagitan) ay ang pagpapagitna o ang pumagitna para sa iba para sa pagtamo ng kapakinabangan at kabutihan, o pagtulak sa kasamaan at kapinsalaan.
T. Kapag sinabi sa iyo: Ano ang mga uri ng Shafā`ah?
S. Sabihin mo: Tatlong uri:
1. Ang Pamamagitang Positibong hindi humihiling malibang mula kay Allāh. Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 39:44): "Sabihin mo: 'Kay Allāh ang [pahintulot sa] Pamamagitan sa lahatan." Ito ay ang Pamamagitan para sa kaligtasan sa pagdurusa sa Apoy at pagtamo ng ginhawa ng Paraiso. Mayroon itong dalawang kundisyon.
A. Ang pagpapahintulot sa tagapamagitan na mamagitan, gaya ng sinabi ni Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 2:255): “Sino itong makapamamagitan sa Kanya malibang ayon kapahintulutan Niya?"
B. Ang pagkalugod sa pinamamagitanan gaya ng sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 21:28): "Hindi sila namamagitan maliban sa sinumang kinalugdan Niya," Ipinagsama nga ito ni Allāh - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - sa sabi Niya (Qur'ān 53:26): "Kay rami ng anghel sa mga langit na hindi nakagagawa ang pamamagitan nila ng anuman maliban noong matapos na magpahintulot si Allāh sa sinumang niloloob Niya at kinalulugdan Niya." Kaya ang sinumang nagnais na umabot sa kanya ang Pamamagitan ay hingin niya ito kay Allāh - napakamaluwalhati Niya - sapagkat Siya ay ang tagapagmay-ari nito at ang tagapahintulot nito. Huwag niyang hingin sa iba pa kay Allāh dahil ang sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kapag humingi ka ay humingi ka kay Allāh." Isinaysay ito ni Imām At-Tirmidhīy. Kaya sasabihin mo: "O Allāh, gawin Mo ako kabilang sa mga mamagitan sa kanila ang Propeta mo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa Araw ng Pagbangon."
2. Ang Pamamagitang Negatibong humihiling mula sa iba pa kay Allāh sa anumang walang nakakakaya nito kundi si Allāh. Ito ay ang Pamamagitang makashirk.
3. Ang Pamamagitang pangmundo sa pagitan ng mga nilikha. Ito ay ang Pamamagitan sa pagitan ng mga nilikhang buhay sa Mundo kaugnay sa anumang nakakakaya nila at kinakailangan ng iba sa kanila mula sa iba pa kaugnay sa mga pangangailangan sa Mundo. Ito ay itinuturing na kaibig-ibig kapag ito ay sa kabutihan at ipinagbabawal kapag ito ay sa kasamaan, gaya ng nasaad sa sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 4:85): "Ang sinumang mamamagitan ng isang magandang pamamagitan ay magkakaroon siya ng isang bahagi mula roon. Ang sinumang mamamagitan ng isang masagwang pamamagitan ay magkakaroon siya ng isang pasanin mula roon."
T. Sabihin mo: Ang pamamagitan ay isang pagmamay-ari ni Allāh - pagkataas-taas Niya - gaya sinabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 39:44): "Sabihin mo: 'Kay Allāh ang [pahintulot sa] Pamamagitan sa lahatan." Kaya naman hihingin natin ito mula kay Allāh, ang tagapagmay-ari nito at ang tagapagpahintulot nito, bilang pagtalima sa Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na nagsabi: "Kapag humingi ka ay humingi ka kay Allāh." Isinaysay ito ni Imām At-Tirmidhīy. Kaya magsasabi tayo: "O Allāh, gawin Mo ako kabilang sa mga mamagitan sa kanila ang Propeta mo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa Araw ng Pagbangon."
S. Sabihin mo: Ito ay kabilang sa Malaking Shirk dahil si Allāh - pagkataas-taas Niya - ay pumula sa sinumang gumawa ng mga tagapamagitan sa pagitan nito at Niya . Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 10:18): "Sumasamba sila bukod pa kay Allāh ng hindi nakapipinsala sa kanila at hindi nagpapakinabang sa kanila at nagsasabi sila: 'Ang mga ito ay ang mga tagapamagitan namin sa kay Allāh.' Sabihin mo: 'Nagbabalita ba kayo kay Allāh ng hindi Niya nalalaman sa mga langit ni sa lupa?' Napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya kaysa sa mga itinatambal nila!" Pagkatapos ay humatol Siya sa kanila ng kawalang-pananampalataya sapagkat nagsabi Siya (Qur'ān 39:3): "Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa sinumang sinungaling na palatangging sumampalataya." Ang sabi pa Niya - pagkataas-taas Niya - tungkol sa kanila na sila ay nagsasabi tungkol sa mga tagapamagitan (Qur'ān 39:3): "Ang mga gumagawa bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik [ay nagsasabi]: 'Hindi kami sumasamba sa kanila kundi upang ilapit nila kami kay Allāh nang dikitan.'"
S. Sabihin mo: Tunay na ang paghiling ng pagpapahingi ng kapatawaran mula sa kanya ay natatangi sa panahon ng buhay niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at hindi matapos ng kamatayan niya. Walang napagtibay buhat sa mga Kasamahan - malugod si Allāh sa kanila - ni sa mga tao ng mga salinlahing itinangi na isang ulat na tumpak na sila noon ay humihiling mula sa Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na humingi siya ng kapatawaran para sa kanila matapos ng kamatayan niya. [Ito rin ay] dahil ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - noong humiling sa kanya si `Ā'ishah - malugod si Allāh rito - ng panalangin at na humingi ng kapatawaran para rito matapos ng kamatayan nito ay nagsabi siya rito: "Iyan ay kung sakaling habang ako ay buhay pa, hihingi ako ng kapatawaran para sa iyo at dadalangin ako para sa iyo." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy. Ang ḥadīth ay tagapagpaliwanag ng talata ng Qur'ān. Tunay na ang paghiling ng pagpapahingi ng kapatawaran mula sa Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay natatangi sa panahon ng buhay niya. Hindi naganap ang paghiling ng pagpapahingi ng kapatawaran mula sa kanya matapos ng pagyao niya maliban sa mula sa ilan sa mga nahuling salinlahi matapos ng pagwawakas ng mga mga salinlahing itinangi, ng paglaganap ng mga bagong paniniwala, at ng pananaig ng kamangmangan. Ginawa ng iba sa kanila iyon bilang pagsalungat sa metodolohiya ng mga ninunong maayos na nagpakalalim at mga pinunong napatnubayan kabilang sa mga Kasamahan at mga tagasunod ng mga ito sa paggawa ng maganda.
S. Sabihin mo: Ang kahulugan nito ay ang pagpapakalapit-loob kay Allāh sa pamamagitan pagtalima sa Kanya at pagsunod sa Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ito ay ang pampalapit (wasīlah) na ipinag-utos ni Allāh upang magpakalapit-loob tayo sa Kanya - pagkataas-taas Niya. Iyon ay dahil ang pagpapakalapit ay ang bagay na nagpaparating sa hinihiling at walang nagpaparating sa hinihiling kundi ang isinabatas ni Allāh at ng Sugo Niya gaya ng Tawḥīd at paggawa ng mga pagtalima. Ang pampalapit ay hindi ang pagtuon sa mga walīy at mga minamalapit. Ito ay kabilang sa pagbabaliktad ng mga katawagan at pagpapangalan sa mga bagay ng hindi pangalan ng mga ito. Ito ay walang iba kundi panlilinlang mula sa mga demonyo ng tao at jinn upang paligawin ang mga tao palayo sa daan ng patnubay na nagpaparating sa Paraiso.
S. Sabihin mo: Ang pangunahing kahulugan ng tawassul ay ang pagpapakalapit. Sa Batas ng Islām, ito ay ang pagpapakalapit-loob kay Allāh - pagkataas-taas Niya - sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanya, pagsamba sa Kanya, pagsunod sa Propeta Niya - pagpalain Niya ito at pangalagaan - at sa pamamagitan ng paggawa ng anumang naiibigan Niya at kinalulugdan Niya.
S. Sabihin mo: Ang tawassul ay dalawang uri: isinasabatas at ipinagbabawal.
S. Sabihin mo: A. Ang tawassul kay Allāh sa pamamagitan ng mga pangalan Niya ayon sa sinabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 7:180): "Taglay ni Allāh ang mga pangalang napakagaganda kaya dumalangin kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito" at sa pamamagitan ng mga katangian Niya gaya ng sabi ng Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "O Buhay, o Mapagpanatili, sa pamamagitan ng awa Mo nagpapasaklolo ako." Ito ay pagpapakalapit (tawassul) kay Allāh sa pamamagitan ng katangian ng awa.
B. Ang tawassul kay Allāh sa pamamagitan ng maayos sa gawang wagas na inuukol kay Allāh, na umaalinsunod sa sunnah ng Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - gaya ng nagsasabi: "O Allāh, dahil sa kawagasan ko sa Iyo, pagsunod ko sa sunnah ng Propeta Mo - pagpalain Mo siya at pangalagaan - pagalingin Mo ako at tustusan Mo ako" at gaya ng pananampalataya kay Allāh - napakamaluwalhati Niya - at sa Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 3:193): "Panginoon namin, tunay na kami ay duminig sa isang tagapanawagang nananawagan para sa pagsampalataya, na [nagsasabing]: Sumampalataya kayo sa Panginoon ninyo, kaya sumampalataya kami. Panginoon namin, kaya magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala naming, magtakip Ka sa amin sa mga masagwang gawa namin, at magpapanaw Ka sa amin kasama ng mga nagpapakabuti." Matapos ang tawassul na ito ay dumalangin sila kay Allāh at nagsabi sila (Qur'ān 3:194): "Panginoon namin, ibigay Mo sa amin ang ipinangako Mo sa mga sugo Mo, at huwag Mo kaming dustain sa Araw ng Pagbangon. Tunay na Ikaw ay hindi sumisira sa pangako." Nagsagawa rin ng tawassul kay Allāh ang mga nakulong sa yungib sa pamamagitan ng maayos sa gawa nila, na nagsusumamong alisin sa kanila ang kalagayan nila gaya ng nasaad sa ḥadīth ayon kay Ibnu `Umar - malugod si Allāh sa kanya - na nasa Dalawang Ṣaḥīḥ, na nagsasaad na ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay nagsalaysay sa mga tao ng kasaysayan ng tatlong lalaking napagsarahan ng bato sa yungib. Humiling sila kay Allāh sa pamamagitan ng mga ginawa nilang maayos na pagbuksan sila hanggang sa bumukas naman ang yungib.
C. Ang tawassul sa pamamagitan ng panalangin ng taong maayos na naririyan, na nakakakaya, gaya ng sinumang humihiling sa isang lalaking maayos na dumalangin kay Allāh para sa kanya, gaya ng paghiling ng mga Kasamahan - malugod si Allāh sa kanila - kay Al-`Abbās na dumalangin kay Allāh na saklolohan sila. Humiling naman si `Umar bin Al-Khaṭṭāb - malugod si Allāh sa kanya - kay Uways Al-Qarnīy na dumalangin para sa kanya. Gaya rin ng sa hiling ng mga anak ni Jacob sa kanya - sumakanya ang pangangalaga. Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 12:97): "Nagsabi sila: O ama namin, humingi ka po ng kapatawaran para sa amin sa mga pagkakasala namin; tunay na kami noon ay mga nagkakamali."
S. Sabihin mo: Ito ay ang tawassul na pinawalang-saysay ng Batas ng Islām, gaya ng nagsasagawa ng tawassul sa mga patay at humihiling sa kanila ng ayuda at pamamagitan. Ito ay isang tawassul na makashirk ayon sa pagkakaisa ng hatol ng mga Imām kahit pa man ang pinagsasagawaan ng tawassul ay kabilang sa mga propeta at mga walīy. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 39:3): "Ang mga gumagawa bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik [ay nagsasabi]: 'Hindi kami sumasamba sa kanila kundi upang ilapit nila kami kay Allāh nang dikitan.'" Pagkatapos ay pinasundan Niya ang paglalarawan sa kanila sa pamamagitan ng paghatol sa kanila sapagkat nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 39:3): "Tunay na si Allāh ay maghahatol sa pagitan nila hinggil sa anumang sila ay nagkakaiba-iba. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa sinumang sinungaling na palatangging sumampalataya." Humatol Siya sa kanila ng kawalang-pananampalataya at paglabas sa relihiyon. Gayon din, kabilang sa tawassul na ipinagbabawal ang hindi nabanggit sa Batas ng Islām dahil ang tawassul ay isang pagsamba at ang pagsamba ay tawqīfīyah (nakasalalay sa teksto) gaya ng tawassul sa pamamagitan ng reputasyon o mga persona o iba pa sa mga ito, gaya ng sabi ng ilan sa mga tao: "O Allāh, magpatawad Ka sa akin dahil sa reputasyon ni Al-Ḥabīb," o "O Allāh, tunay na kami ay humihingi sa Iyo dahil sa Propeta mo o dahil sa reputasyon ng mga maayos o dahil sa alabok ni Polano...at iba pa." Tunay na ito ay hindi isinabatas ni Allāh ni ng Sugo Niya - pagpalain Niya ito at pangalagaan. Ito ay nagiging bid`ah na kinakailangang iwasan. Hindi nalaman ang paggawa ng ganitong uri at ng nauna rito buhat sa mga ninunong maayos kabilang sa mga Kasamahan, mga Tagasunod nila, at mga napatnubayang Imām ng patnubay - malugod si Allāh sa kanilang lahat.
S. Sabihin mo: 1. Pagdalaw na isinasabatas na pinabubuyaan ang tagapagsagawa nito dahil sa dalawang sanhi:
A. Ang pag-aalaala sa Kabilang-buhay dahil ang sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ako noon ay sumaway sa inyo sa pagdalaw sa mga libingan. Kaingat at dalawin na ninyo ang mga iyon sapagkat ang mga iyon ay nagpapaalaala ng Kabilang-buhay." Isinaysay ito ni Imām Muslim.
B. Ang pagbati sa mga patay at ang pagdalangin para sa kanila kaya sinasabi natin: "Assalāmu `alaykum ahla -ddiyār mina -lmu'minīn...(Ang kapayapaan ay sumainyo, o mga naninirahan sa mga libingan, mula sa mga mananampalataya...)" Kaya nakikinabang ang dumadalaw at ang dinadalaw.
2. Pagdalaw na hindi isinasabatas na nagkakasala ang nagsasagawa nito. Ito ang tinutukoy ng pagdalangin sa tabi ng mga libingan nila o pagtuon kay Allāh sa pamamagitan nila. Ito ay isang bid`ah na nagliligaw sa nagsasagawa nito at tumitisod sa kanya sa shirk o pagpapasaklolo sa mga patay, paghiling ng pamamagitan nila, at paghingi ng ayuda mula sa kanila. Ito ay ang Malaking Shirk dahil ang sabi ni Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 35:13-14): "Iyon ay si Allāh, ang Panginoon ninyo. Taglay Niya ang paghahari, samantalang ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa sa Kanya ay hindi nagmamay-ari ng kahit isang lamad ng buto ng datiles. Kung dadalangin kayo sa kanila ay hindi sila makaririnig sa panalangin ninyo, at kung sakaling nakarinig sila ay hindi sila tutugon sa inyo. Sa Araw ng Pagbangon ay itatanggi nila ang pagtatambal ninyo [sa kanila kay Allāh]. Walang makapagbabalita sa iyo ng tulad ng isang nakababatid."
S. Sabihin mo: Sasabihin ko ang iginabay ng Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa mga Kasamahan Niya kapag dumalaw sila sa mga libingan. Nagsasabi sila: "Assalāmu `alaykum dār qawmim mu'minīna wa atākum mā tū`dūna ghadan mu'ajjalūna wa innā in shā'a -llāhu bikum lāḥiqūn. (Ang kapayapaan ay sumainyo, tahanan ng mga taong mananampalataya. Dumating sa inyo ang ipinangangako sa inyo. Bukas [kayo ay] mga ipagpapaliban. Tunay na kami, kung niloob ni Allāh, sa inyo ay mga susunod.)" Isinaysay ito ni Imām Muslim Pagkatapos ay dadalangin ako kay Allāh para sa kanila ng awa, kapatawaran, pag-angat ng antas, at iba pa sa mga ito kabilang sa mga panalanging kaaya-aya.
S. Sabihin mo: Tunay na ang pagdalangin kay Allāh sa tabi ng mga libingan ng mga maayos ay isang bid`ah na makabago. Ito ay isang kaparaanan tungo sa shirk. Nasaad nga buhat kay `Alīy bin Al-Ḥusayn - malugod si Allāh sa kanya - na siya ay nakakita ng isang lalaking dumadalangin kay Allāh sa tabi ng libingan ng Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - kaya sinaway niya ito. Nagsabi siya: "Tunay na ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay nagsabi: Huwag ninyong gawin ang libingan ko bilang isang pagdiriwang." Itinala ito ni Aḍ-Ḍiyā' Al-Maqdisīy sa Al-Mukhtārah, pahina 428. Ang pinakadakila sa mga libingan ay isang libingang naglaman ng pinakadalisay at pinakamaharlikang katawan, pinakamainam na tao, at pinakamarangal sa mga nilikha sa ganang kay Allāh, ang libingan ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Hindi nangyaring nalaman kailanman sa pamamagitan ng tumpak na kawing ng pagkasalaysay buhat sa isa sa mga Kasamahan - malugod si Allāh sa kanila - na ito noon ay pumupunta sa libingan ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at dumadalangin kay Allāh sa tabi nito. Gayon din ang mga Tagasunod nila ayon sa paggawa ng maganda, hindi nangyaring sila ay nagpupunyagi sa pagdalangin sa tabi ng mga libingan ng mga Kasamahan at mga malaking tao ng Kalipunang Islām. Ito ay isang panunulsol na makademonyo lamang, na natangay rito ang mga isip ng ilan sa mga huling tao. Minaganda nila ang itinuring na pangit ng mga matuwid na ninuno nila, iniwasan nila, at sinaway nila dahil sa pagkakaalam nila sa kasagwaan nito at karumalan ng kauuwian nito. Nalingat naman doon ang mga nahuling taong pinakakaunti sa kaalaman, sa pag-iisip, sa pag-intindi, at sa kalamangan kaya bumagsak sila sa mga patibong ng demonyo at kinaladkad sila nito dahil sa pagmamagaling sa mga bid`ah tungo sa pagkalalim-lalim na bangin ng shirk. Ang pagpapakupkop ay kay Allāh!
S. Sabihin mo: Ang pagpapakalabis ay ang paglampas sa hangganang isinabatas sa pamamagitan ng paglabag sa ipinag-utos ni Allāh. Ang pagpapakalabis ay sa pamamagitan ng pagdaragdag sa hinihiling sa Batas ng Islām at sa pinapayagan dito, at ito rin ay sa pamamagitan ng pag-iwan sa daan ng pagkamananamba.
Kabilang sa mga uri ng pagpapakalabis na nakapapahamak ay ang pagpapakalabis kaugnay sa mga propeta at mga maayos na tao sa pamamagitan ng pag-angat sa kanila higit sa antas nila, ang pagdaragdag sa anumang naging karapat-dapat sila gaya ng pag-ibig at pagpipitagan, ang pagkakaloob sa kanila ng mga katangian ng pagkapanginoon o ang pagbaling sa kanila ng anuman sa mga pagsamba, at ang pagpapalabis-labis sa pagbubunyi sa kanila at pagpupuri sa kanila sa pamamagitan ng paglalagay sa kanila sa antas ng diyos.
Kabilang sa pagpapakalabis ang pagpapakamananamba kay Allāh sa pamamagitan ng palagiang pag-iiwan ng mga ipinahihintulot na bagay, na nilikha ni Allāh - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya - para sa mga kapakanan ng mga tao gaya ng pagkain, inumin, at anumang kinakailangan ng tao gaya ng pagtulog at pag-aasawa.
Kabilang sa pagpapakalabis na nakamumuhi ang paghahatol ng takfīr (pagtuturing ng kawalang-pananampalataya) sa mga Muslim na naniniwala sa Tawḥīd at ang kinahihinatnan niyon na kawalang-ugnayan at pagtatwa; pakikipaglaban at pangangaway; at paglabag sa mga dangal, mga ari-arian, at mga buhay.
S. Sabihin mo: Nagkarami-rami nga ang mga patunay sa Qur'ān at Sunnah na sumasaway sa pagpapakalabis at nagbibigay-babala laban dito gaya ng sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 38:86): "at ako ay hindi kabilang sa mga nagkukunwari." Sinaway Niya - kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan - ang mga anak ni Israel laban sa pagpapakalabis sa relihiyon. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 4:171): "huwag kayong magpalabis sa relihiyon ninyo" Nagsabi naman ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Mag-ingat kayo sa pagpapakalabis sapagkat ipinahamak lamang ang nauna sa inyo ng pagpapakalabis." Itinala ito ni Imām Aḥmad. Nagsabi pa ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Napahamak ang mga nagpapakasukdulan, napahamak ang mga nagpapakasukdulan, napahamak ang mga nagpapakasukdulan!" Itinala ito ni Imām Muslim.
S. Sabihin mo: Hindi ipinahihintulot ang ṭawāf sa iba pa sa Ka`bah dahil si Allāh - kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan - ay nagtangi sa Bahay Niya sa pagsasagawa ng ṭawāf sapagkat nagsabi Siya - napakamaluwalhati Niya - (Qur'ān 22:29): "at magpaligid-ligid sila sa Matandang Bahay." Hindi nagpahintulot sa atin ang Panginoon natin sa iba pa roon dahil ang ṭawāf ay isang pagsamba. Nagbigay-babala nga Siya sa atin laban sa paggawa ng bagong anumang pagsamba sapagkat walang pagsamba malibang ayon sa isang tumpak na patunay mula sa Qur'ān at Sunnah. Ang pag-imbento ng isang pagsamba nang walang patotoong legal ay sinasalungat at ang pagbaling nito sa iba pa kay Allāh ay isang shirk na nagpapawalang-kabuluhan sa gawa, na nagpapalabas sa kapaniwalaang makakatotohanan patungo sa kawalang-pananampalataya. Ang pagpapakupkop ay kay Allāh!
S. Sabihin mo: Hindi ipinahihintulot ang paglalakbay bilang pagdakila sa isang pook at isang lugar dahil sa paniniwala sa kainaman nito at kainaman ng paglalakbay roon maliban sa tatlong masjid dahil ang sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Hindi naglalakbay maliban sa tatlong masjid: ang Masjid na Pinakababanal, ang Masjid kong ito, at ang Masjid na Pinakamalayo." Isinaysay ito ni Imām Muslim.
S. Sabihin mo: Ang lahat ng mga ḥadīth na ito ay ipinagsinungaling sa Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Inilalako lamang ito ng mga kampon ng mga bid`ah at mga mananamba ng mga mausoleo. Ang nagsasabi sa bagay ng "Mangyari" ay si Allāh - tanging Siya: walang katambal sa Kanya ni kapantay sa Kanya, ni katulad sa Kanya - napakamaluwalhati Niya kalakip ng papuri sa Kanya. Walang nakakakaya niyon ni nakagagawa niyon na isa man sa nilikha ni sa mga propeta ni sa mga walīy. Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 36:82): "Ang utos Niya, kapag niloob Niya ang isang bagay, ay na magsabi lamang Siya roon ng 'Mangyari,' at mangyayari ito." Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 7:54): "Pakatandaan, Sa Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Napakamapagpala ni Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang." Ipinauna ang bagay na ang karapatan nito ay ang ipahuli upang magpahiwatig ng paglilimita, ang paglilimita sa paglikha at pangangasiwa kay Allāh - tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya.
S. Sabihin mo: Ito ay kabilang sa mga mariing ipinagbabawal at mga mapanganib na bid`ah at kabilang sa pinakasukdulan sa mga kaparaanang humahantong sa pagkakasadlak sa shirk. Ayon kay `Ā'ishah - malugod si Allāh sa kanya - na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa panahon ng pagkakasakit bago ng kamatayan Niya na hindi na siya nakabangon: "Isinumpa ni Allāh ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano; ginawa nila ang mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan." Nagsabi si `Ā'ishah - malugod si Allāh sa kanya: "Nagbibigay-babala siya sa pinaggagawa nila." Napagkaisahan ang katumpakan nito. Ayon kay Jundub bin Abdillāh - malugod si Allāh sa kanya - ayon sa Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - siya ay nagsabi limang araw bago namatay: "Pakatandaan, at tunay na kabilang sa nauna sa inyo ay silang gumagawa noon sa mga libingan ng mga propeta nila at mga matuwid nila bilang mga sambahan. Pakatandaan, kaya huwag ninyong gawin ang mga libingan bilang mga masjid sapagkat tunay na ako ay nagpawakas sa inyo niyon." Isinaysay ito ni Imām Muslim. Ang mga masjid na itinayo sa ibabaw ng mga libingan ay hindi ipinahihintulot ang pagdarasal sa mga ito. Kapag itinayo ang masjid sa ibabaw ng isang libingan o mga libingan, kinakailangang iguho ito. Kapag naman itinayo ang masjid sa ibabaw ng hindi libingan, pagkatapos ay naglibing doon ng isang patay, hindi iguguho ang masjid subalit bubuksan ang libingan at ililipat ang nakalibing doon mula sa masjid patungo sa mga libingang pampubliko.
S. Sabihin mo: Ang pagpapatayo [ng estruktura sa ibabaw] ng mga libingan ay isang bid`ah na minamasama dahil sa taglay nitong pagpapalabis sa pagdakila sa nakalibing sa libingang iyon. Ito ay isang palusot sa shirk kaya kinakailangan ang pag-aalis ng itinayo sa ibabaw ng mga libingan at ang pagpapatag nito bilang pagbibigay-wakas sa bid`ah na ito at bilang pagpipinid sa palusot sa shirk. Isinaysay ni Imām Muslim sa Ṣāḥīḥ niya ayon kay Abū Al-Hayyāj Al-Asadīy Ḥayyān bin Ḥuṣayn na nagsabi: Nagsabi sa akin si `Alīy - malugod si Allāh sa kanya: "Hindi ba ako magpapadala sa iyo ayon sa pagpapadala sa akin ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan? Na huwag kang mag-iwan ng isang larawan malibang pinawi mo ito ni isang libingang nakausli malibang pinatag mo ito."
S. Sabihin mo: Inilibing siya sa silid ni `Ā'ishah - malugod si Allāh dito. Lumipas sa libingan niya sa labas ng masjid ang higit sa 80 taon. Pinaluwang ng isa sa mga khalīfah na Umawīy ang Masjid ng Propeta kaya ang silid ay para bang nasa loob ng masjid. Hindi tinanggap ng khalīfah ang pagsaway ng mga maalam sa panahon nito at ang pagbibigay-babala nila laban sa pagpapasok ng silid sa masjid. Nagsabi na ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - nang nagbibigay-babala siya laban sa pagtatayo ng mga masjid sa ibabaw ng mga libingan: "Pakatandaan, at tunay na kabilang sa nauna sa inyo ay silang gumagawa noon sa mga libingan [ng mga propeta nila at mga matuwid nila] bilang mga sambahan. Pakatandaan, kaya huwag ninyong gawin ang mga libingan bilang mga masjid sapagkat tunay na ako ay nagpawakas sa inyo niyon." Isinaysay ito ni Imām Muslim. Isinumpa ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ang mga gumagawa sa mga libingan bilang mga masjid at naglalagay ng mga ilaw gaya ng nasaad ḥadīth na isinaysay ng mga Alagad ng mga Sunnah. Naganap nga ang pinangambahan niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa Kalipunan niya at nangyari ang binigyang-babala niya dahilan sa pananaig ng kamangmangan at mga panlilito ng mga guro ng pamahiin at mga bid`ah. Nangyaring sila ay nagpapakalapit-loob kay Allāh sa pamamagitan ng pagsalangsang sa Kanya at pagsalungat sa Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - gaya ng paglalagay ng mga libingan at pagtatayo ng mga mausoleo sa mga masjid, paglalagay ng mga tabing sa mga ito, pagpapailaw sa mga ito, pagsasagawa ng ṭawāf sa mga ito, at paglalagay ng mga kahon ng mga panata sa mga ito. Kaya lumaganap ang mga gawaing makashirk, ang mga kaligawan sa ngalan ng pag-ibig sa mga matuwid at paggalang sa kanila, at ang pagtuon sa kanila para sa Panginoon ng mga nilalang upang tugunin ang panalangin ng mga humihingi. Ang lahat ng ito ay kabilang sa pamana ng mga naunang naliligaw. Nagsabi ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Talagang susunod nga kayo sa mga daan ng nauna sa inyo nang magkatulad na magkatulad hanggang sa kahit pa pumasok sila sa lunggang sira ng bubuli ay talagang papasukin ninyo ito." Napagkaisahan ang katumpakan nito.
S. Sabihin mo: Nagkaisa ang Apat na Imām, bagkus ang mga imām sa kabuuan nila, na ang mga Kasamahan - malugod si Allāh sa kanila - ay hindi naglibing sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - hanggang sa humiwalay ang kaluluwa niya sa katawan dahil hindi katanggap-tanggap na ilibing nila siya samantalang siya ay buhay pa at dahil sila ay nagtalaga ng isang kahalili para sa kanya noong wala na siya at humiling ang anak niyang si Fāṭimah - malugod si Allāh dito - ng mana nito mula sa kanya! Walang naiparating buhat sa isa sa mga Kasamahan o mga Tagasunod o mga Tagasunod nila kabilang ang Apat na Imām, na ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay lumabas sa mga tao matapos ang kamatayan niya at paglibing sa kanya. Kaya ang sinumang nag-aangking siya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay lumabas sa mga tao mula sa libingan niya, ito ay isang mapamahiin at isang sinungaling, na pinaglaruan ng mga demonyo, na isang tagapanirang-puri kay Allāh at sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Papaanong mangyayari ito samantalang si Allāh - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas - ay nagsasabi (Qur'ān 3:144): "Walang [iba] si Muḥammad kundi isang Sugo, na nagdaan na bago niya ang mga sugo. Kaya ba kung namatay siya o napatay siya ay manunumbalik kayo sa mga pinagdaanan ninyo?" Ang sabi pa Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 39:30): "Tunay na ikaw ay mamamatay at tunay na sila ay mga mamamatay." Iniugnay ni Allāh - napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas - ang ulat ng pagkamatay ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa pagkamatay ng mga tao upang luminaw na ito ay isang kamatayang tunay at isang paglipat mula sa tahanang ito patungo sa tahanan ng Barzakh na walang paglabas mula roon malibang patungo sa mga larangan ng Pagbangon [ng mga patay] para sa pagtutuos at pagganti matapos ang pagkabuhay, ang pagtitipon [sa mga patay], at ang paglabas mula sa mga libingan. Kabilang sa naaangkop sa pagtugon sa mga mangmang at mga mapamahiing naniniwala sa paglabas ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - mula sa libingan niya ay ang sinabi ni Imām Al-Qurṭubīy Al-Mālikīy, na sumakabilang-buhay noong 656 AH (1273 CE), sa aklat niyang nagpapaintindi tungkol sa pamahiin ng paglabas ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - mula sa libingan niya: "Natatalos ang kabulukan nito sa pamamagitan ng mga payak na pang-unawa. Kinakailangan sa kanya na hindi siya nakikita ng isang [tao] malibang sa anyong kinamatayan niya, na hindi siya nakikita ng dalawang nakakikita sa iisang sandali sa dalawang lugar, na nabubuhay siya ngayon, lumalabas mula sa libingan niya, naglalakad sa mga lansangan, nakikipag-usap sa mga tao at nakikipag-usap sila sa kanya, at kinakailangan sa kanyang mawala sa libingan niya ang katawan niya at walang matirang anuman mula sa libingan niya. Kaya naman dinadalaw ang walang lamang libingan at binabati ang isang wala dahil siya ay pinapayagang makita sa gabi at araw kasabay ng pagpapatuloy ng daloy ng mga oras ayon sa reyalidad nito sa labas ng libingan niya. Ito ay mga kamangmangang walang sumusunod na sinumang may pinakamahinang pinanghahawakang pang-unawa."
S. Sabihin mo: Ang bid`ah ay ang ipinangsasamba ng tao sa Panginoon niya nang walang patunay na legal. Ito ay dalawang uri: bid`ah na nagpapawalang-pananampalataya gaya ng nagsasagawa ng ṭawāf sa libingan bilang pagpapakalapit-loob sa nakalibing doon, at bid`ah na nagkakasala ang nagsasagawa nito nang walang pagpapawalang-pananampalataya gaya ng nagdaraos ng kaarawan ng isang propeta o isang walīy nang walang kalakip na mga gawaing pangshirk at mga gawaing pangkawalang-pananampalataya. Sa Islām ay walang magandang bid`ah dahil ang lahat ng mga bid`ah ay kaligawan ayon sa patunay mula sa sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kaingat kayo sa mga pinausong bagong bagay-bagay [sa relihiyon] sapagkat tunay na ang bawat pinausong bago [sa relihiyon] ay bid`ah at ang bawat bid`ah ay kaligawan." Sa isang sanaysay: "at ang bawat kaligawan ay sa Apoy." Isinaysay ito nina Imām Aḥmad at Imām An-Nasā'īy. Hindi nagtangi ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ng anuman sa mga bid`ah. Ang mga bid`ah sa kabuuan ng mga ito ay ipinagbabawal. Ang nagsasagawa ng mga ito ay hindi pinabubuyaan dahil ang mga ito ay isang pangunguna sa Tagapagbatas at isang pagdaragdag sa Relihiyon matapos ng pagkalubos nito at pagkakumpleto nito. Ito ay tatanggihan sa tagapagsagawa nito ayon sa patunay mula sa sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang gumawa ng isang gawaing hindi ayon sa nauukol sa Amin, ito ay tatanggihan." Isinaysay ito ni Imām Muslim. Ang sabi pa ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang nagpalitaw ng bago kaugnay sa nauukol sa Amin na hindi bahagi nito, ito ay tatanggihan." Napagkaisahan ang katumpakan nito. Ang sabi niyang "nauukol sa Amin" ay tumutukoy sa Islām.
S. Sabihin mo: "Ang sinumang nagpasimula ng isang sunnah na maganda" ay nangangahulugang "Ang sinumang gumawa ng isang gawaing inihatid ng Islām gayong nakalimutan na ng mga tao o nag-anyaya tungo sa inihatid ng Qur'ān at Sunnah, na kabilang sa hindi nalalaman ng mga ito, ay ukol sa kanya [ang gaya ng] pabuya sa sinumang sumunod sa kanya dahil ang dahilan ng ḥadīth na ito ay ang pag-anyaya sa pagbibigay ng mga kawanggawa sa mga maralita na nanghihingi noon. Ang nagsabi ng "Ang sinumang nagpasimula ng isang sunnah na maganda" ay ang nagsabi ng "Ang bawat bid`ah ay kaligawan." Ang Sunnah, ang pinanggagalingan nito ay ang Qur'ān at ang Ḥadīth samantalang ang bid`ah ay walang pinag-ugatan sa Qur'ān ni sa Ḥadīth, bagkus ito ay payak na pagmamagaling ng ilan sa mga huling isip.
S. Sabihin mo: Tunay na ang sabi ni `Umar - malugod si Allāh sa kanya: "Kay inam ang bid`ah" ay naglalayon ng kahulugan nitong pangwika at hindi ng kahulugan nitong legal dahil si `Umar - malugod si Allāh sa kanya - ay hindi nagsabi ng pangungusap na iyon malibang kaugnay sa dasal na tarāwīḥ na ginawang sunnah ng Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Kaya ang gawain niya ay umaalinsunod sa gawain ng Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ang anumang pagbubuhay sa gawain ng Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay hindi bid`ah, bagkus ito ay isang pagpapanumbalik, isang pagpapaalaala sa mga tao sa naiwanan at nakalimutan, at isang paanyaya sa isang gawaing isinabatas na inanyayahan ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at ginawa niya. Ang ginawa naman ni `Uthmān- malugod si Allāh sa kanya - ay bahagi ng pag-anyaya ng Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na tularan ang Sunnah niya kasama ng nalalabi sa mga nagabayang khalīfah nang nagsabi siya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kailangan sa inyo ang sunnah ko at ang sunnah ng mga ginagabayang khalīfah." Ang hindi mga ginagabayang khalīfah ay hindi gayon dahil ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay naglimita sa sunnah sa kanya at sa mga ginagabayang khalīfah. Hindi siya bumanggit ng iba pa sa kanila. Ang mga Kasamahan noon - malugod si Allāh sa kanila - ay ang pinakamatindi sa mga tao sa pagbibigay-babala laban sa mga bid`ah at mga pinausong bago sa relihiyon. Kabilang sa halimbawa niyon ay na si Ibnu Mas`ūd - malugod si Allāh sa kanya - ay nagsabi sa mga taong gumawa ng isang bid`ah sa relihiyon nang sinasambit nila si Allāh sa isang pagsambit na sama-sama sa isang bagong pinausong takdang pamamaraang gayong sila naman ay naglalayon ng kabutihan: "Naunahan ninyo si Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at ang mga Kasamahan niya sa isang kaalaman o gumawa kayo ng isang bid`ah dala ng paglabag sa katarungan." Noong nagsabi sila sa kanya: "Nagnais kami ng kabutihan" ay nagsabi siya sa kanila: "Hindi lahat ng nagnais ng kabutihan ay nagkamit nito." Isinaysay ito ni Imām Ad-Dārimīy sa Sunan niya. Madalas na inuulit sa mga pagtitipon ng mga Kasamahan niya: "Sumunod kayo at huwag kayong gumawa ng bid`ah." Nagsabi naman si Ibnu `Umar - malugod si Allāh sa kanya: "Ang bawat bid`h ay kaligawan kahit pa itinuturing ito ng mga tao bilang maganda."
S. Sabihin mo: Ang pagdiriwang ng Mawlid Nabawīy (Kaarawan ng Propeta) ay hindi nasaad sa Qur'ān ni sa Sunnah kaya wala itong legal na patunay. Hindi ito napagtibay buhat sa isa sa mga Kasamahan - malugod si Allāh sa kanila - at hindi nagsabi nito ang isa sa Apat na Imām.Kung sakaling ito ay isang kabutihan at isang pagtalima, talaga sanang naunahan nila tayo roon. Binabanggit ng mga tagapagtaguyod ng pagdiriwang na sila ay nagdiriwang ng kaarawan ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - bilang pagpapakita ng pag-ibig sa kanya. Ang pag-ibig sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay tungkuling pang-individuwal sa bawat Muslim, na hindi tutumpak ang pananampalataya nito malibang may pag-ibig sa Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ito ay sa pamamagitan ng pagtalima sa kanya, hindi sa pamamagitan ng pagdiriwang sa kaarawan niya. Ang kauna-unahang gumawa ng bid`ah na ito ay ang mga Mamlūk na Bāṭinīy na ateista na tinatawag na mga Fāṭimīy. Iyon ay apat na salinlahi matapos ang kamatayan ng Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ipinagdiriwang ang Mawlid ng mga tagapagtaguyod nito sa araw ng Lunes, ang araw ng pagsakabilang-buhay ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ang reyalidad ay ang pagdiriwang sa kaarawan ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay walang iba kundi isang paggaya-gaya sa gawain ng mga Kristiyano sa pagdiriwang nila sa kaarawan ni Jesus - sumakanya ang pangangalaga. Ginawa na ni Allāh na kalabisan sa atin ang mga bid`ah, ang mga pinausong bago sa relihiyon, at ang mga ligaw na gawa-gawa ng mga ibang kalipunan sa pamamagitan ng Batas na lubos, dalisay, malinis, at busilak. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.
S. Sabihin mo: Ang siḥr ay hindi ipinahihintulot matutunan at ituro. Ang pagsasagawa nito ay isang kawalang-pananampalataya dahil ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 2: 102): "Sinunod nila ang binibigkas ng mga demonyo sa [panahon ng] paghahari ni Solomon. Hindi tumangging sumampalataya si Solomon bagkus ang mga demonyo ay tumangging sumampalataya; nagtuturo sila sa mga tao ng panggagaway at ng ibinaba sa dalawang anghel sa Babilonia, na sina Hārūt at Mārūt, ngunit hindi nagtuturo silang dalawa sa isa man malibang nagsasabi silang dalawa: 'Kami ay tukso lamang, kaya huwag kang tumangging sumampalataya.' Kaya natututuhan nila mula sa kanilang dalawa ang nagpapahihiwalay sa lalaki at maybahay nito. Sila ay hindi mga nakapipinsala sa pamamagitan nito sa isa man malibang dahil sa kapahintulutan ni Allāh. Natututuhan nila ang nakapipinsala sa kanila at hindi nagpapakinabang sa kanila. Talaga ngang nalaman nilang talagang ang sinumang bumili nito ay walang ukol sa kanya sa Kabilang-buhay na anumang bahagi." Ang sabi pa Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 4:51): "Sumasampalataya sila sa diyus-diyusan at nagdidiyus-diyusan,"
Ang jibt (na isinaling diyus-diyusan) ay ipinakahulugang siḥr (panggagaway, karunungang itim). Iniugnay ni Allāh ang siḥr sa ṭāghūt (na isinaling nagdidiyus-diyusan). Kung paanong ang pananampalataya sa ṭāghūt ay kawalang-pananampalataya gayon din naman, ang pagsasagawa ng siḥr ay kawalang-pananampalataya. Kaya kabilang sa mga kinakailangan sa kawalang-pananampalataya sa ṭāghūt ang paniniwala sa kabulaanan ng siḥr at na ito ay kaalamang karima-rimarim na nakasisira sa buhay panrelihiyon at pangmundo. Kinakailangan ang pag-iwas dito at ang pagpapawalang-ugnayan dito at sa mga alagad nito.
Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 113:4): "at laban sa kasamaan ng mga manggagaway na palaihip sa mga buhol," Nagsabi ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Iwasan ninyo ang pitong nakapapahamak..." Binanggit niya kabilang sa mga ito ang panggagaway. Nasaad sa ḥadīth: "Ang sinumang nagbuhol ng isang buhol, pagkatapos ay umihip dito, ay nanggaway nga; at ang sinumang nanggaway ay nagtambal nga." Isinaysay ito ni Imām An-Nasā'īy. Isinaysay naman ni Imām Al-Bazzār: "Hindi kabilang sa atin ang sinumang naniwala sa kamalasan o nagpaniwala sa kamalasan, o nanghula o nagpahula, o nanggaway o nagpagaway." Ang kaparusahan ng manggagaway ay ang pagpatay sapagkat talaga ngang sumulat si `Umar bin Al-Khaṭṭāb - malugod si Allāh sa kanya - sa mga gobernador na: "Patayin ninyo ang bawat lalaking manggagaway at babaing manggagaway." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy. Ayon kay Jundub - malugod si Allāh sa kanya - na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang takdang parusa sa panggagaway ay ang pagtaga rito ng tabak." Isinaysay ito ni Imām At-Tirmidhīy. Pumatay nga si Ḥafṣah - malugod si Allāh sa kanya - ng isang babaing alipin niya na nanggaway sa kanya.
S. Sabihin mo: Ang ginagawa ng mga salamangkero kabilang sa nabanggit ay bahagi ng pakikipagtulungan sa kanila ng mga demonyo sa paggawa niyon. Ang ilan dito ay kabilang sa ipinanggagaway sa mga mata ng mga tao kaya nakikita nila ang hindi totoo na parang ito ay totoo gaya ng ginawa ng mga manggagaway kay Moises - sumakanya ang pangangalaga - kasama ng mga taong nakasaksi sa pangyayaring binanggit ni Allāh sa Qur'ān. Ipinaguniguni kay Moises na ang mga lubid ng mga manggagaway ay gumagapang gayong sa katotohanan, ang mga ito ay hindi gumagapang gaya ng sinabi ni Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 20:66): "ginuniguni sa kanya dala ng panggagaway nila na ang mga ito ay gumagapang." Kung sakaling binigkas sa tabi ng mga salamangkero ang Āyatulkursīy, ang dalawang Sūrah 113 at 114 ng pagpapakupkop, ang Sūrah Al-Fātiḥah, ang mga huling bahagi ng Sūrah Al-Baqarah, at iba pang mga talata ng Qur'ān, talaga sanang nawalang-saysay ang panggagaway at ang salamangka ayon sa kapahintulutan ni Allāh - pagkataas-taas Niya - nabunyag ang pandaraya ng mga salamangkero at ang pandaraya nila, at nalantad sa mga tao ang kabulaanan nila at ang kasinungalingan nila.
Hindi nangyayari ang himala maliban sa mga maayos na mga monoteista, na mga ligtas sa mga bid`ah at mga pamahiin. Ang himala ay isang pagtamo ng isang kabutihan para mananampalataya at isang pagtulak sa isang kasamaan palayo sa kanya. Ito ay hindi nangangahulugang siya ay mainam kaysa sa iba sa kanya na mga mananampalatayang walang himalang naganap sa kanila. Ang nauukol sa himala ay na ilihim ito at hindi ipasikat ni ipangkain at ipanlinlang sa mga tao.
S. Sabihin mo: Hindi ipinahihintulot ang pagpunta sa lalaking manggagaway o babaing manggagaway para humiling sa kanila at tumanggap ng panggagamot mula sa kanila dahil sa pagsaway ng Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - niyon. Ang patunay ay na noong tinanong ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - tungkol sa "nushrah", ang paglunas sa panggagaway sa pamamagitan ng isang panggagaway tulad nito, ay nagsabi siya: "Ito ay bahagi ng gawain ng demonyo." Tinutukoy niya ang nushrah. Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud. Hindi ipinahihintulot ang anuman sa gawain ng mga demonyo at hindi makikinabang dito at walang kabutihang maaasahan mula rito.
S. Sabihin mo: Ang pagpapanatili sa mga dhikr sa umaga at gabi, at lalo na ang: "Bismi -llāhi -lladhī lā yaḍurru ma`a -smihi shay'un fi -l'arḍi wa lā fi -ssamā'i, wa huwa -ssamī`u -l`alīm (Sa ngalan ni Allāh na walang nakapipinsala sa pangalan Niya na anumang bagay sa lupa ni sa langit at Siya ay ang Madinigin, ang Maalam)," na binibigkas nang tatlong ulit sa umaga at gabi. Gayon din ang pagsabi ng: "A`ūdhu bikalimāti -llāhi -ttāmmāti min sharri mā khalaq (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa masama sa nilikha Niya)" at ng pampakupkop (ta`widh) sa mag-anak at mga bata: "ﷻ`īdhukum bikalimāti -llāhi -ttāmmāti min kulli shayṭānin wa hāmmatin wa min kulli `aynin lāmmah (Ipinakukupkop ko kayo sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa bawat demonyo at salot at laban sa bawat matang masama)" gaya ng nasaad sa ḥadīth. Gawin din ang sumusunod: ang pagbigkas ng Sūrah Al-Ikhlāṣ (Qur'an 112), ng dalawang ipinapangkupkop (mu`awwidhah) na Sūrah 113 at 114 nang tatlong ulit sa umaga at gabi, ng Āyatulkursīy, at ng dalawang huling talata ng Sūrah Al-Baqarah sa gabi; at ang pagkain ng pitong pirasong datiles sa umaga.
Matapos maganap ang panggagaway, isasagawa ang pagbigkas sa nagaway nang direktahan ng mga talata ng Qur'ān at mga panalanging nasaad sa Sunnah ng Propeta, ang ḥijāmah, at ang pagsira sa mga bagay na ginamit sa panggagaway kapag natuklasan ito. Mawawalang-saysay ang panggagaway at gagaling ang nagaway ayon sa kapahintulutan ni Allāh - pagkataas-taas Niya.
S. Sabihin mo: Ang pagpunta sa kanila, ang pagtatanong sa kanila, at ang pakikinig sa mga kasinungalingan nila ay ipinagbabawal maliban sa sinumang nagnanais na ilantad ang kasinungalingan nila, iskandaluhin ang pandaraya nila, at ibunyag ang mga kabalbalan nila, na isasagawa ng mga maalam na nakakakaya niyon. Kinakailangan ang pag-iingat laban sa bawat nag-aangkin ng kaalaman sa Ghayb at ang pagbabala laban sa pandaraya nila at panlilinlang nila sa mga tatanga-tanga. O ang kasawian ng sinumang naniwala sa sa kasinungalingan nila at kabulaanan nila at pambobola nila! Nagsabi siya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang pumunta sa manghuhula ng hinaharap o manghuhula ng nakaraan at nagpatotoo sa anumang sinasabi nito, tumanggi nga siyang sumampalataya sa anumang ibinaba kay Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan." Isinaysay ito ng mga May mga Sunnah. Nagsabi pa siya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang pumunta sa manghuhula ng nakaraan at nagtanong dito tungkol sa anuman, hindi tatanggap sa kanya ng isang dasal sa loob ng apatnapung araw." Isinaysay ito ni Imām Muslim.
S. Sabihin mo: Ito ay ḥadīth na ipinagsinungaling at ginawa-gawa laban sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sapagkat papaanong sinasaway ang panggagaway habang nag-aanyaya sa pag-aaral nito?
S. Sabihin mo: Ang Ṣaḥābah (mga Kasamahan ng Propeta) - malugod si Allāh sa kanila. Iyon ay yayamang ang Propeta nating si Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay pinakamainam sa mga propeta, ang mga Kasamahan niya naman ay naging higit na mainam kaysa sa mga nakasama ng mga propeta sa kalahatan. Ang pinakamainam sa kanila ay si Abū Bakr. Nagsabi ang Sugo - sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga: "Hindi sumikat ang araw at hindi lumubog - matapos ang mga propeta at ang mga isinugo - sa higit na mainam kaysa kay Abū Bakr." Pagkatapos ay si `Umar, pagkatapos ay si `Uthmān, at pagkatapos ay si `Alīy - malugod si Allāh sa kanila. Pagkatapos ay ang nalalabi sa Sampung Binalitaan ng Pagpasok sa Paraiso. Ang mga Kasamahan ay umiibig sa isa't isa. Dahil dito, pinangalanan ni `Alīy - malugod si Allāh sa kanya - ang mga anak niya ng mga pangalan ng mga khalīfah bago niya. Kabilang sa mga pangalan ng mga anak niya ay Abū Bakr, `Umar, at`Uthmān. Nagsinungaling ang sinumang nagsabi: "Tunay na ang mga Kasamahan ay hindi umiibig sa mga mananampalataya kabilang sa Mag-anak ng Propeta at na ang Mag-anak ng Propeta ay hindi umiibig sa mga Kasamahan." Ito ay mga paninirang-puri ng mga kaaway ng Mag-anak ng Propeta at mga Kasamahan - ang kaluguran ni Allāh ay sumakanila.
S. Sabihin mo: Kinakailangan ang pag-ibig sa kanila, ang paggalang sa kanila, ang pagpipitagan sa kanila sa kalahatan, at ang pagdalangin ng pagkalugod ni Allāh sa kanila sa kalahatan dahil si Allāh ay nalugod sa kanila at hindi nagtangi mula sa kanila ng isa man, gaya ng sinabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 9:100): "Ang mga unang nangunguna kabilang sa mga lumikas at mga tagaadya, at ang mga sumunod sa kanila nang may pagpapakahusay ay nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya, at naghanda Siya para sa kanila ng mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog habang mga nananatili sa mga ito magpakailanman. Iyon ay ang tagumpay na sukdulan." Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 48:18): "Talaga ngang nalugod si Allāh sa mga mananampalataya noong nangako sila ng katapatan sa iyo sa ilalim ng punong-kahoy." Nagsabi si Allāh tungkol sa kanila (Qur'ān 33:6): "Ang mga maybahay niya ay mga ina nila. " Ang lahat ng mga maybahay ng Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay mga Ina ng mga Mananampalataya dahil si Allāh at hindi nagtangi sa iisa man sa mga ito. Nasaad sa ḥadīth ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy - malugod si Allāh sa kanya - na nagsabi ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Huwag ninyong laitin ang mga Kasamahan ko sapagkat kung sakaling ang isa sa inyo ay gumugol ng tulad ng [bundok ng] Uḥud na ginto ay hindi aabot ito sa isang mudd nila ni kalahati nito." Isinaysay ito nina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.
Walang kataka-taka sa kalagayang marangal na ito ukol sa kanila sapagkat sila ay kabilang sa nagkaloob ng mga sarili nila at mga yaman nila sa pag-aadya sa Relihiyon ni Allāh. Nakipagdigma sila sa kaanak at di-kaanak kabilang sa mga tagatutol sa paanyaya ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Iniwan nila ang mag-anak at dumayo sa mga ibang bayan alang-alang sa landas ni Allāh. Sila ay dahilan ng bawat kabutihan at kainamang natatamo ng Kalipunang Islām hanggang sa pagsapit ng Huling Sandali. Kaya ukol sa kanila ang tulad sa mga pabuya ng lahat ng dumating matapos nila kabilang sa mga mananampalataya hanggang sa manahin ni Allāh ang lupa at ang sinumang nasa ibabaw nito. Walang naging tulad nila sa mga nauna sa mga kalipunan at walang magiging tulad nila matapos nila. Nalugod si Allāh sa kanila at pinalugod Niya sila. Kapighatian sa sinumang umaway sa kanila, nanlait sa kanila, nang-alipusta sa kanila, at nanirang-puri sa kanila!
S. Sabihin mo: Ang kaparusahan sa kanya ay ang sumpa, ang pagtataboy, at ang pagpapalayo sa awa ni Allāh. Nagsabi ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang nanlait sa mga Kasamahan ko ay sumasakanya ang sumpa ni Allāh, ng mga anghel, at ng mga tao sa kalahatan." Isinaysay ito ni Imām Aṭ-Ṭabarānīy. Ang kinakailangan ay ang matinding pagmamasama sa sinumang nanlait sa isa sa mga Kasamahan o nanlait sa isa sa mga Ina ng mga Mananampalataya - ang kaluguran ni Allāh ay sumakanila sa kalahatan. Kinakailangan sa may kapamahalaan at mga kinauukulan ang pagdidisiplina at ang pagpaparusa sa sinumang nagaganap mula sa kanya ang gayon ayon sa isang mariing pagdidisiplina.
S. Sabihin mo: Hindi ipinahihintulot ang paniniwalang ito at ang paniniwalang ito. Ito ay kabilang sa pinakamabigat sa mga uri ng kawalang-pananampalataya sapagkat ito ay isang pagpapasinungaling kay Allāh, isang pagtutol sa kahatulan Niya, at isang pagpapantay sa kawalang-pananampalataya at pananampalataya, at sa katotohanan at kabulaanan. Papaanong nag-aalanganin ang isang nakauunawa sa kabulaanan ng pagpapantay at pagsasama ng Relihiyon ni Allāh at ng Relihiyon ng mga huwad na diyos? Papaanong magsasama ang Tawḥīd at ang Shirk, at ang katotohanan at ang kabulaanan? Ang Relihiyong Islām ay ang katotohanan at ang anumang iba pa rito ay kabulaanan. Nilubos na ni Allāh ang Relihiyon Niya at binuo Niya ang biyaya Niya. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 5:3): "Sa araw na ito, nilubos Ko para sa inyo ang Relihiyon ninyo, binuo Ko sa inyo ang biyaya Ko, at kinalugdan Ko para sa inyo ang Islām bilang relihiyon." Kaya hindi ipinahihintulot na magbawas mula rito, o magdagdag dito, o ipantay ito sa iba pa rito kabilang sa mga kapaniwalaan ng kawalang-pananampalataya at mga relihiyon ng mga huwad na diyos, o isama sa mga ito. Hindi pinaniniwalaan ng isang Muslim na nakauunawa ang pagpapahintulot nito. Hindi nagsisikap tungo roon ang sinumang nagmamay-ari ng isang katiting na isip at pananampalataya. Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 3:85): "Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga malulugi." Nagsabi naman ang Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, kapag may nakaririnig sa akin na isa [na kasabayan] sa kalipunang ito, na Hudyo o Kristiyano, pagkatapos ay namatay siya at hindi naniwala sa ipinasugo sa akin, siya ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Apoy." Isinaysay ito ni Imām Muslim.
S. Sabihin mo: Sa pamamagitan ng pananampalataya, naisasakatuparan para sa individuwal, pangkat, at kalipunan ang bawat kabutihan sa Mundo at Kabilang-buhay gaya ng pagbubukas ng mga biyaya mula sa langit at lupa. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 7:96): "Kung sakaling ang mga naninirahan sa mga pamayanan ay sumampalataya at nangilag magkasala, talaga sanang nagbukas Kami sa kanila ng mga biyaya mula sa langit at lupa, subalit nagpasinungaling sila kaya pinarusahan Namin sila dahil sa nakakamit nila noon."
Gayon din, natatamo sa pamamagitan ng pagsasakatuparan sa pananampalataya ang kapanatagan ng puso, ang kapahingahan ng isip, at ang pagluwag ng dibdib. Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 13:28): "ang mga sumampalataya at napapanatag ang mga puso nila sa pamamagitan ng pag-aalaala kay Allāh. Pakatandaan, sa pamamagitan ng pag-aalaala kay Allāh napapanatag ang mga puso." Ang mananampalatayang naniniwala sa kaisahan ng Panginoon niya, na sumusunod sa Sunnah ng Sugo Nito nang totohanan at tapatan ay mamumuhay ng isang buhay na kaaya-aya sapagkat siya ay maginhawa ang isip; napapanatag ang puso; hindi nanghihinawa; hindi namamanglaw; hindi pinananaigan ng mga demonyo sa pamamagitan ng mga panunulsol, pagpapangamba, at lungkot; hindi nawawalan ng pag-asa; hindi nalulumbay; at liligaya sa mga hardin ng kaginhawahan sa Kabilang-buhay niya. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 16:97): "Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na isang lalaki o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya ay talagang magpapamuhay nga Kami sa kanya nang isang buhay na kaaya-aya at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pabuya nila katumbas sa pinakamaganda sa anumang dati nilang ginagawa."
Kaya magsigasig ka, kapatid kong Muslim, na maging kabilang sa mga magtatamo ng nakagagalak na balitang ito, na mga mapabibilang sa mga karapat-dapat sa pangakong makapanginoong mapagbigay na ito.
Kapatid kong babae at lalaking marangal,
Ang papuri ay ukol kay Allāh na lumubos para sa atin ng Relihiyon, bumuo sa atin ng pagpapala, nagpatnubay sa atin ng Relihiyong Islām, ang Relihiyon ng Tawḥīd at kaligayahang pangmundo at pangkabilang-buhay.
Ang mahalaga, o marangal na kapatid, ay ang pagsisikap para sa pagtataglay ng kaalamang pang-Islām na hinango mula sa Qur'ān at Sunnah ayon sa pagkakaintindi ng mga kinalugdan ni Allāh at nalugod sa Kanya, upang tayo ay maging kabilang sa sumasamba kay Allāh ayon sa pagkatalos at maligtas sa pagkakasadlak sa mga maling akala at nakapagpapaligaw na mga tukso. Ang bawat isa, maging gaano man kataas ang antas niya, ay inuutusang magtaglay ng kaalaman at nangangailangan nito.
Heto ang Propeta mo - ang mga pagpapala ni Allāh at ang pangangalaga Niya ay sumakanya - nag-utos sa kanya ang Panginoon mo na magtaglay ng kaalaman. Nagsabi si Allāh - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 47:19): "Kaya alamin mo na walang Diyos kundi si Allāh." Ginabayan siya ng Panginoon niya sa paghiling ng karagdagan mula rito. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 20:114): "at sabihin mo: 'Panginoon ko, dagdagan mo ako ng kaalaman.'" Kaya humayo ka, o ikaw na naituon sa patnubay ng Propeta mo at Imām mong si Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at magalak ka sa kabutihan at kaangatan sa Mundo at Kabilang-buhay. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 58:11): "iaangat ni Allāh sa mga antas ang mga sumampalataya kabilang sa inyo at ang mga binigyan ng kaalaman."
Matapos matuto, maging kasama ka ng mga tagagawa ayon sa nalaman nila at magsikap ka sa pagpapalaganap ng kabutihan at kaalaman upang makasama ka sa kapisanan ng mga maayos na mga tagapagsaayos at upang magtamo ka ng pabuyang tulad sa mga inanyayahan mo at maitala para sa iyo ang tulad ng gantimpala ng sinumang tumugon sa iyo. Walang anumang bagay, matapos isagawa ang mga tungkulin, na higit na mainam pa kaysa sa pagpapalaganap ng kaalaman at pag-aanyaya sa kabutihan.
Kay dakila ng epekto ng mga tagapag-anyaya sa katotohanan sa mga tao sapagkat sila ay ang mga tagasagip ayon sa kapahintulutan ni Allāh sa mga nalulunod sa mga kadiliman ng kamangmangan, mga kaligawan, at mga pamahiin, at ang mga tagahawak sa mga kamay nila tungo sa landas ng kapayapaan, liwanag, pagkapatnubay, at daan ng Paraiso. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.